Kabanata 8
Kabanata 8
Napakagaling naman talaga. Hindi makakakita ng kahit anong pagkakamali si Madeline sa ibinigay na
palabas ni Meredith.
Hindi nga lang inasahan ni Madeline na buntis rin si Meredith.
Subalit, anak ba ni Meredith ay talagang kay Jeremy?
Naalala ni Madeline na iba ang kasama ni Meredith sa gabing iyon matapos magkamali ng pinasukang
kwarto. Kung talagang buntis siya, mukhang kailangan pa nilang pag-usapan kung sino talaga ang
ama.
Gayon pa man, hindi naman maitatanggi ni Madeline na kasama nito lagi si Jeremy sa gabi.
Nang maisip niya ito, lalo pang kumalat ang sakit sa kanyang puso patungo sa kanyang buong
katawan.
Subalit, hindi ito maikukumpara sa sakit na naramdaman niya nang makitang hagkan ni Jeremy si
Meredith nang mahinahon at puno ng pag-aalala.
Tinakpan ni Meredith ang kanyang mukha at umiyak nang nakakaawa.
“Jeremy, huwag mong sisihin si Maddie. Kasalanan ko ang lahat. Hindi dapat ako nahulog sa iyo. Sa
kabilang banda, umaasa akong makausap mo si Maddie para hindi niya saktan ang anak natin…”
Nang banggitin ni Meredith ang bata, kitang-kita ni Madeline ang pagbabago sa mukha ni Jeremy.
Agad na umangat ang tingin ni Jeremy at napunta sa kanya. Malamig ang mga mata at tila ba gawa sa
kutsilyong yelo.
“Madeline!”
Galit na galit si Jeremy.
Hindi niya tinawag ang pangalan nito sa isang malambing na paraan. Kahit kalian, hindi pa. Sa tuwing
kausap niya ito, laging galit at pagkamuhi ang nasa tono niya.
“Pinilit niya ako.” Sinubukan ni Madeline na huwag maging emosyonal. “Jeremy, huwag kang
magpaloko. Hindi mo kilala ang babaeng iyan, siya…”
“Tumahimik ka!” Agad siyang pinigil ni Jeremy. Ang malalim nitong boses ay puno ng nakakatakot na
aura. “Sinampal mo ba si Meredith ngayon?”
Kinagat ni Madeline ang kanyang tuyong labi. “Oo.”
Umamin siya at nakitang suminghal si Meredith sa tuwa; galak na galak ito habang nasa likod ni
Jeremy.
Sa pagkakataong ito, napuno ng galit ang mga mata ni Jeremy. Mukhang hindi ito makapaghintay na
sunugin si Madeline.
“Slap!”
Sinampal niya si Madeline sa mukha. Nagulantang naman ang babae.
Ganoon rin, naramdaman niya ang lasa ng dugo sa dulo ng kanyang bibig. Mapait ito.
Sunod, naramdaman niyang naiiyak na siya at saka tuluyang bumuhos ang luha niya dahil sa bigat This content provided by N(o)velDrama].[Org.
nito.
Sinampal siya nito.
Sa lahat ng pagkakataong ito, hindi man lang ito nag-alala sa kanya. Ayaw na ayaw pa nga nito kay
Madeline. Subalit, hindi niya ito sinaktan kahit kalian.
“Pumunta ka rito at humingi ng tawad kay Meredith!”
Utos ni Jeremy. Puno ng lamig ang gwapo niyang mukha. Subalit, may hindi maipaliwanag na
pagbabanta ang nakaguhit sa mga mata nito at hindi ito maintindihan ni Madeline.
Matapos matuwa si Meredith sa mga nagaganap, paawa itong naglakad. “Jeremy, ayos lang.
Magkapatid kami ni Maddie. Hindi ko kailangang humingi siya ng tawad. Kasalanan ko. Matapos ang
lahat, kasal kayo. Hindi dapat kita kinakausap, pero hindi ko mapigilang gustuhin na makita ka…”
“Meredith, tumigil ka sa pagpapanggap. Parte lang ito ng plano mo!”
Nilunok ni Madeline ang lahat ng luha niya at inihayag ang intensyon ni Meredith nang walang alangan.
Umiiyak si Meredith habang may sakit na makikita sa mukha nito. “Maddie, paano mo ko
pinagbibintangan ng ganyan? Bakit naging ganito ka?”
“Naging ganito ako nang ipakita mo ang tunay mong kulay!”
“Madeline!”
Galit na galit ang lalaking nasa tabi nila. Sinunggaban niya si Madeline nakaupo sa kama at hinila ito
papunta kay Meredith.
“Humingi ka ng pasensya!” Pagpupumilit nito.