Chapter 9
Chapter 9
"THANK you for the words of wisdom, Brylle," sarkastikong sinabi ni Throne pagkalipas ng mahabang
sandaling pagkatulala. "The whole world makes sense again." Inagaw niya mula sa pinsan ang dala
nitong bote ng alak pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas na ng bahay nito. Nang makalabas
na ay natigilan siya.
Saan nga ba siya pupunta? Bigla siyang naduwag na umuwi sa malaking bahay na naghihintay sa
kanya sa Forbes Park na siguradong mga katulong lang ang kanyang madaratnan. Napasulyap siya sa
pagmamay-aring pulang Ferrari sa garahe. He felt like emptiness was about to swallow him any
moment.
"It's a long journey when you're on your own, man," anang boses ni Brylle kasabay ng malakas na
pagtapik sa kanyang balikat. Ni hindi niya man lang namalayan na sumunod pala ang pinsan sa kanya.
"Bakit ba kasi hirap na hirap kang palayain ang sarili mo at amining nagmamahal ka na nga talaga? NôvelDrama.Org owns all © content.
Lesson number two, love can be liberating, Throne." Inagaw ni Brylle ang bote ng alak na hawak niya.
"Hangarin mo namang maging masaya kahit minsan. Deal with Jethro the jerk once and for all.
Suntukin mo siya hanggang gusto mo. Apologize to Cassandra afterwards and just love Christmas
Llaneras."
His jaw clenched. "I can't. Nangako ako kay Cassandra na-"
"Damn it, Throne!" Mas malakas na tinapik siya ng pinsan. "Hinayaan kita sa plano mong maghiganti
dahil wala akong nakikitang direksiyon sa buhay mo noon! Alam kong sagad na sagad ka na at konti
na lang, bibigay ka na. Revenge prevented you from losing your sanity. Because you were this close,"
Pinaglapit ni Brylle ang dalawang daliri nito na halos gahibla na lang ang layo sa isa't isa. "From going
down the drain. Pero iba na ngayon. You now have the chance to belong to someone, man. Grab it.
Own it. Love it."
Marahas na napabuga ng hangin si Throne. Inalis niya ang kamay ni Brylle sa kanyang balikat
pagkatapos ay dumeretso na sa kotse.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Naikuyom niya ang mga kamay sa narinig na pahabol ng pinsan bago tuluyang pinaandar palayo ang
sasakyan nang walang tiyak na patutunguhan.
Habang nagmamaneho ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla ay pumasok sa isip ni Throne
si Christmas, ang matatamis na ngiti ng dalaga at ang buhay na buhay na mga tawa nito habang
sumasayaw sa gitna ng ulan.
Itinigil niya ang kotse. Binuksan niya ang bintana sa kanyang gawi at inilabas ang kamay.
Pinakiramdaman niya ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa kanyang palad.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Would Throne dare take a leap? Mariin niyang naipikit ang mga mata. And for the first time in his life,
he acknowledged that yearning feeling inside him, the thirst that only one woman could surely quench.
Mabilis siyang napamulat. Bago pa namalayan ni Throne ay hawak na niya sa isang kamay ang
kanyang cell phone. Idadayal niya na sana ang numero ni Christmas nang mag-ring ang cell phone
niya. Ang dalaga ang tumatawag. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ang tawag.
"Throne, I've been looking everywhere for you! Nasa'n ka ba? Nanggaling na ako sa office mo pero
wala ka raw do'n. Nagpunta na rin ako sa ibinigay mo sa 'kin na address ng bahay mo noong isang
araw pero hindi ka pa raw umuuwi." Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Christmas.
"Alam mo bang masama pa rin ang loob ko sa 'yo? Ang sakit mo kasing magsalita at sobra ka pa kung
mambintang. Pero mag-usap naman sana tayo. May kailangan lang akong klaruhin sa 'yo."
Ipinasok na ni Throne ang basang-basa niyang palad at balewalang inihawak iyon sa manibela.
"Nandito ako sa tapat ng office mo."
Hindi umimik si Throne, sa halip ay nagsimula na siyang magmaneho. Malapit lang ang opisina niya sa
bahay ni Brylle.
"Throne, malakas ang ulan sa labas. Nasa'n ka ba kasi?" Malakas na tumikhim ang dalaga. Sa
pagkakataong iyon ay hindi na naitago sa malambing na boses nito ang pag-aalala. "May... may
payong ka ba?"
A soft smile appeared on his lips. Kakaiba talaga si Christmas. Para bang napakadali lang para sa
dalaga na basagin ang kanyang depensa na pinaghirapan niyang itayo at ipalibot sa kanya sa
nakalipas na mga taon. Sa isang iglap ay naglaho ang kahungkagang nararamdaman niya. Pero
kasabay niyon ay ang paglitaw ng kakaibang emosyong lumulukob naman ngayon sa kanyang puso.
God... Brylle is right. I am crazy about her.
Binilisan lalo ni Throne ang pagmamaneho. "Hintayin mo 'ko. I'll be there." Narinig niya ang pagbuga ni
Christmas ng hangin na para bang nakahinga na ito nang maluwag.
"Thank you, Throne. Alam mo bang kanina pa kita-"
"Christmas Llaneras..." He said in a rough voice. "I'm sorry. I was... jealous."
Kasabay ng malakas na pagsinghap ng dalaga ay ang paglawak ng ngiti niya. Bukas na 'ko mag-iisip.
Bukas na rin ako mag-aalala. I just wanna love you tonight. I just wanna live tonight.