Don't Let Me Go, Diana

Chapter 3



Chapter 3

"HELLO, earthlings! I'm looking for a woman named Diana Ferrel. Do you know where she is?"

Gulat na napaangat ang ulo ni Diana mula sa binabasang libro nang marinig ang malakas na tanong

na iyon ng isang pamilyar na baritonong boses. Nakita niyang nakatayo si Alexis sa bukana ng library

na mukhang hindi alintana ang iritasyon sa mukha ng librarian na nakaupo hindi kalayuan sa binata.

Natensiyon si Diana. Ano ang posibleng kailangan sa kanya ni Alexis? Malakas lang ang loob niyang

lapitan ito kapag tulog gaya noong nagdaang gabi pero ngayon...

Akmang itatakip niya na lang ang libro sa kanyang mukha nang makita na siya ni Alexis. Nakangising

pumasok ito sa library at lumapit sa kanya.

"There you are!" May kalakasan pa rin ang boses na sinabi ng binata.

"Can you please tone down your voice?" hindi napigilang sagot ni Diana. Nag-aalalang napatitig siya

sa iba pang estudyante sa library. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi nang malamang sa

kanila na ni Alexis nakatuon ang mga mata ng mga ito. "Ano ba'ng kailangan mo?"

"Marami." Ibinaba ni Alexis ang hawak na libro ni Diana. "Come with me."

"You, two, get out." anang librarian. "Now!"

Lumawak ang pagkakangisi ni Alexis. Inilahad nito ang isang palad sa kanya. "Heard that? Come on.

Umalis na tayo. May basbas na tayo ng librarian."

Ang binata na ang mismong umabot ng kanyang kamay at hinila siya patayo. Bumilis ang tibok ng

puso ni Diana pero pilit na binalewala niya iyon. At kaysa higit na makakuha ng atensyon ay naiiling na

sumama na lang siya.

Sumaludo pa si Alexis sa librarian nang madaanan nila ito. Apologetic na ngumiti na lang si Diana sa

librarian bago sumunod na sa binata na hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya. Dinala siya nito sa

open field kung saan niya ito unang nakita.

"Ikaw raw ang naghatid sa akin kagabi," panimula ni Alexis. "Kasalanan mo 'to. Hindi mo na dapat

binanggit pa kay Manang Renata ang pangalan mo. Na-trace tuloy kita. That old woman can get a bit

chatty at times. So tell me, Diana, gaano na karami ang mga nalalaman mo tungkol sa akin ngayon?"

"MAY gusto ka bang inumin? Ihahanda ko para sa 'yo. Pwede ring dito ka na lang maghapunan.

Ipaghahain kita." Belonging © NôvelDram/a.Org.

Bahagyang nabigla si Diana sa sinabing iyon ng nagpakilalang Manang Renata na sumalubong sa

kanila ng mga bodyguards niya sa gate ng tatlong palapag na bahay nina Alexis. Bahagyang masungit

ang pagbungad nito sa kanya kaya matapos niya itong batiin ng magandang gabi at ipaliwanag na

nadaanan lang niya ang alaga nito sa kalsada ay hindi na siya nagsalita uli. Sinamahan nito si Mang

Nick sa pag-akyat sa tulog pa ring si Alexis hanggang sa kwarto ng lalaki habang nasa malawak na

sala siya at naghihintay.

Nang makababa si Mang Nick ay magpapaalam na sana si Diana kay Manang Renanta nang bigla na

lang ito mag-alok ng maiinom. Matipid siyang napangiti. "Kape na lang po, Manang Renata."

Sinenyasan siya ng matandang babae na maupo na muna. Inalok rin nito ng maiinom si Mang Nick na

magalang namang tumanggi. Nagpaalam ang kanyang bodyguard na sa gate na lang siya hihintayin.

Sandaling nawala si Manang Renata. Sa pagbalik nito sa sala, may dala na itong dalawang tasa ng

umuusok na kape. Inilapag nito iyon sa center table bago naupo sa sofa sa harap niya.

Bahagya siyang na-conscious nang titigan siya ng matanda na para bang inaalam ang nilalaman ng

isip niya. Idinaan niya na lang sa ngiti ang hiyang nararamdaman. "Wala po akong ginawa sa alaga

ninyo, Manang Renata. Hindi ko lang po maatim na hayaan siyang magpalipas ng gabi sa kalsada lalo

at wala siyang kasama."

"Ngayon lang may naghatid rito kay Alexis. Ilang beses na akong tumawag sa kanya noon na halos

puro mga babae ang nakakasagot. Gaya ng ginawa ko kanina ay nagbabakasakali ako at ipinapaalam

ko rin sa kanila ang address ni Alexis pero walang nag-abalang ihatid ang batang 'yon maliban sa 'yo."

Sa wakas ay ngumiti na rin si Manang Renata. "Maraming salamat."

"Wala pong anuman." Inabot ni Diana ang tasa ng kape at marahang humigop. Muli siyang napangiti

nang malasahan iyon. Gaya iyon ng timpla ng kanyang ina. Bigla ay na-miss niya ang kanyang ina.

Dalawang linggo pa bago ito bumalik sa bansa kasama ang kanyang ama. "Your coffee reminds me of

my mother, Manang Renata. Thank you for this."

"Gusto kita." Sa halip ay sinabi ng matanda. "Ngayon pa lang kita nakita pero gusto na kita. Magaan

ang loob ko sa 'yo, ineng. Sana mapadalas ka rito."

Natawa si Diana. "Naku, malabo po ang bagay na 'yan, Manang. Baka ito na po ang una at huling

pagtapak ko rito. Schoolmates lang po kami ni Alexis. Hindi po kami magkaibigan at wala sa tipo niya

ang gugustuhing makipagkaibigan sa isang tulad ko."

Nagsalubong ang mga kilay ni Manang Renata. "Aba'y bakit naman? Mukha ka namang mabuting tao,

patunay na roon ang ginawa mong ito. Iyang si Alexis, may pagkabarumbado lang 'yan pero mabait na

bata rin 'yan. Hindi niya nga lang alam." Bumuntong-hininga ito. "Napapadalas talaga ang pag-inom

niya lalo na tuwing malapit nang dumating ang birthday niya. Parati niyang pinagsisisihang ipinanganak

siya at buhay siya."

Napasinghap si Diana. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

"Nagrerebelde siya. Galit siya sa mundo. At hindi ko naman siya masisisi." Rumehistro ang

kalungkutan sa mukha ni Manang Renata. "Kung tutuusin ay gusto ko na ring magpahinga sa

paninilbihan sa kanila at manirahan na lang sa probinsya tutal ay sapat naman na ang mga naipon ko.

Bukod pa roon ay tumatanda na rin ako. May mga apo na rin akong dapat alagaan. Pero hindi ko

maiwan si Alexis. Gusto kong makahanap na muna siya ng taong pwede kong mapag-iwanan sa

kanya, ng taong makakaunawa sa pinagdaraanan niya." Tinitigan si Diana ng matanda nang may

halong pag-asam. "At umaasa akong sana ay ikaw na 'yon, Diana. Sana ay ikaw na ang hinihintay

niya."

Nahinto sa pag-iisip si Diana nang bitiwan ni Alexis ang kamay niya. Hindi niya alam pero nakaramdam

siya ng lungkot nang bumitaw ito sa kanya. Para bang agad na nakasanayan niya ang init na hatid ng

kamay ng binata.

May kinuhang kung ano si Alexis sa bag nito. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata ni Diana nang

makita ang pamilyar na tuwalya niya na inilatag nito sa Bermuda grass. Sa pagmamadali niyang

matakasan ang binata noong unang araw na nakita niya ito sa open field ay nalimutan niya na iyon.

Binalikan niya iyon nang sumunod na araw pero hindi niya na nakita. Akala niya ay may ibang

nakadampot na niyon. Hindi pumasok sa isip niya na si Alexis ang kukuha niyon. Hindi ang tipo nito

ang magtatago ng pink na tuwalya.

Naupo si Alexis sa tuwalya. Dalawang kandila ang sumunod na inilabas ni Alexis mula sa bag nito.

Sinindihan nito ang mga iyon gamit ang lighter sa bulsa nito at itinirik sa bahaging walang damo. "W-

what are you doing?"

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Alexis nang humarap kay Diana. "So the princess can talk now. Ang

akala ko, nakain mo na ang dila mo." Nagkibit-balikat ito. "Ang akala ko rin ay matatagalan ka pa bago

magsalita. Kaya magse-celebrate na muna sana ako." Tinapik nito ang space sa tabi nito. "Kapag

nangalay ka na, pwede kang maupo rito. Come on, Diana. Don't be scared." Pumalatak ang binata

nang maramdaman ang pagdadalawang-isip niya. "Nanghahalik lang ako pero hindi ako

nangangagat."

Ilang sandaling pinakatitigan ni Diana si Alexis bago nag-iinit ang mga pisnging naupo sa tabi nito. Muli

ay nalanghap niya ang swabeng pabango nito. Hindi na tumigil pa sa mabilis na pagtibok ang kanyang

puso mula pa kaninang abutin nito ang kamay niya.

"Gusto kong makahanap na muna siya ng taong pwede kong mapag-iwanan sa kanya, ng taong

makakaunawa sa pinagdaraanan niya. At umaasa akong sana ay ikaw na iyon. Sana ay ikaw na ang

hinihintay niya."

"What are you celebrating for?" Mahinang tanong niya. Nahihiwagahan siya sa mga sinabi ni Manang

Renata. Pero hindi na ito nagkwento pa noong nagdaang gabi. Nakahiyaan niya naman nang

magtanong dahil may pakiramdam siyang kahit gawin niya iyon, hindi na magsasalita pa ang matanda

dahil bakas sa anyo nito ang hindi matatawarang loyalty sa mga Serrano.

"Someone's death anniversary," mahina ring sagot ni Alexis.

"Who?"

"Mine."

"Napapadalas talaga ang pag-inom niya lalo na tuwing malapit nang dumating ang birthday niya. Parati

niyang pinagsisisihang ipinanganak siya at buhay siya."

Napalunok si Diana. Kung ang pagbabasehan ay ang mga sinabi ni Manang Renata, ang mga kandila,

dagdag pa ang mga kakaibang salita ni Alexis ay lumalabas na... ngayon ang birthday ng binata.

Pinagmasdan niya si Alexis. Hindi niya inaasahan ang nabasang pinaghalong pait at sakit sa anyo nito,

isang bagay na malayong-malayo sa madalas na ipakita ng binata sa iba... at naaapektuhan siya

niyon.

"Wala namang sinabi si Manang Renata na hindi ko pa alam." Sa halip ay sinabi ni Diana para

pansamantalang ibaling ang interes ng binata sa ibang bagay. "Ayon sa kanya, barumbado ka nga raw.

Lasinggero at marami pang iba."

"Alam mo na pala 'yan. Bakit tinulungan mo pa rin ako kagabi?"

Maraming posibleng ikatwiran si Diana. Maraming posibleng maging palusot sa ginawa niya gaya ng

mga sinabi niya kay Manang Renata. Na nagmagandang-loob lang siya. Pero iba ang sinasabi ng puso

niya. At ayaw niya nang ikaila iyon.

Binulabog si Diana ng mga sinabi ni Manang Renata. Hindi siya pinatulog ng isiping iyon. Hindi rin siya

nakapag-focus sa klase dahil si Alexis ang laman ng isip niya. Mabuti na lang at hindi natuloy ang

recitation nila sa huling subject sa araw na iyon dahil may biglaang meeting na kinailangang puntahan

ang kanilang professor kaya maaga silang na-dismiss kundi ay siguradong maipapahiya niya ang sarili.

Mula nang makita niya si Alexis, hindi na nito pinatahimik pa ang isip at puso niya. Pero iniwasan niya

ito. Dahil natatakot siya rito. Dahil kakaiba ito sa mga lalaking nakilala niya. Dahil kakaiba ang reaction

ng puso niya rito at alam niyang wala iyon magandang maidudulot sa kanya.

Pero matapos ng mga sinabi ni Manang Renata, may malaking bahagi sa kanya ang gusto nang

lumapit kay Alexis, ang gustong dumamay rito sa kahit na anong paraang alam niya. Gusto niyang

malaman ang dahilan sa likod ng mga ikinikilos nito. Dahil gusto niya itong maintindihan. Dahil gusto

niya itong maipagtanggol mula sa mga humuhusga rito. At kabilang na roon si Laurice.

Natatakot pa rin siya kay Alexis, walang duda. Natatakot siya sa maaring maging epekto nito sa kanya.

Pero nang muli niyang makita ang sakit sa mga mata nito, bigla ay gusto niya nang sumugal. Bahala

na. "Because I care about you, Alexis Serrano."

Sandaling parang natigilan si Alexis bago ito direktang tumitig sa kanyang mga mata.

"Hmm..." napatango-tangong sinabi nito. "And may I ask why, Diana Ferrel? Why would someone like

you care about me? Unless totoo ang hinala ko na may sinabi sa 'yo si Manang Renata kaya ganyan

ka kung makatitig sa akin ngayon." Tumigas ang anyo nito. "Hindi ko kailangan ng awa mo, Diana. I'm

no charity case."

"Alexis-"

"Tama na." Tumayo na ang binata pagkatapos ay pinatay ang sindi ng mga kandila.

Akmang hahakbang na si Alexis palayo nang mabilis ring tumayo si Diana. Hindi na nag-isip pang

pinigilan niya sa braso ang binata pagkatapos ay marahang niyakap ito. "Happy birthday."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.