Her Name Is Monique

CHAPTER 8: Prinsesa Ng Zairin Department



(Patty)

Kalalabas lang ni Ms. Valdez sa room namin. Hindi siya masyadong nagturo ngayon. Sinabi lang niya na mag handa kami about sa team building na gagawin namin next week sa part ng tagaytay. Nagtataka ako dahil mag-iisang linggo pa lang ako dito at kaka-umpisa pa lang din ng klase may team building na.

Lumabas muna ako sa room para puntahan si Lina. Napag usapan namin na magkita ngayon tutal naman may 1 hour vacant ako bago ang susunod na subject.

"Patty!" tawag sa'kin ni Lina habang kumakaway.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko kaagad sa kanya ng ako'y makalapit.

"Hindi naman kadarating ko lang din."

Nasa garden kami ngayon. Dito namin napagpasyahan na mag usap dahil bihira naman ang mga students na nagagawi dito.

"Ano pala yung itatanong mo sa'kin Patty?" tanong agad niya ng makaupo kami sa isa sa mga bench doon.

"May kilala ka bang Tina? Hindi ko alam ang apelyido niya 'yun lang kasi ang narinig ko. Nakasuot sila ng tulad ng uniform mo kaya naman naisip ko baka classmates mo sila."

"Tina?" napaisip siya ilang sigundo. "Oo kilala ko siya. Tina Hernadez ang full name niya. Pero bakit mo naitanong?"

"Narinig ko kasi sila ng mga kasama niya na gusto nilang makuha ang personal information ko pero hindi nila nakuha sa admin. Kasama nung Tina ay ang babaeng brown ang buhok na lampas balikat. Hindi ko nakita ang mukha niya pero feeling ko siya ang leader nila. Kasama din nila yung naka headband na mukhang koreana."

"Naku! Mag ingat ka sa kanila Patty."

"Huh? Bakit naman?" nagulat ako sa sinabi ni Lina.

"Hindi mo ba alam na sila ang bully dito sa university na 'to?"

"Hindi e. Hindi ko naman inisip na merong mga ganyan dito dahil sa university na pinapasukan ko noon wala namang bully." aniya dito.

"Yung nakita mong babae na 'yun. Siya Si Catherine Morgan ang queen bee ng university na 'to at kilala siyang maldita ever since." nangunot ang noo ko.

"Bakit nila ako pinag uusapan? Wala naman akong natandaan na may nagawa akong mali sa kanila."

"Ikaw ang target nila ngayon kasi nasa Zairin's department ka kaya mag ingat ka."

"Pero bakit?" naguguluhan talaga ako. Ano bang meron sa department na yun at parang big deal sa kanila ang mga papasok dun.

"Hindi mo pa talaga alam. Dapat bago ka pumasok dito nag background check ka muna." anito na halatang hindi makapaniwala sa'kin. Naguluhan tuloy ako sa kanya.

"Ang Zairin's ang pinaka sikat na department dito sa university dahil lahat sila may sinasabi sa lipunan. It means nasa department ka ngayon ng mga anak ng pinaka mayayamang tao sa bansa." mahabang paliwanag ni Lina. Hindi ako makapag salita sa mga sinabi ni Lina. Si Renz pa lang naman kasi talaga ang kilala ko sa kanila kaya naman wala akong idea.

"Big deal sa kanila na may babaeng nakapasok na naman sa Zairin dahil ang isa pang dahilan ang Zairin ang tinaguriang Heartthrob department nakita mo naman na lahat sila iba iba ang kagwapuhang taglay diba. Kaya huwag kang magtataka kapag may kasama ka isa man sa kanila pagtitinginan ka nila at asahan mong may masasabi silang hindi maganda sa'yo." anito sa akin na hinawakan ang kamay ko.

"Sasabihin ko sayo kung sinu-sino ang mga dapat hindi mo didikitan sa mga Zairin para hindi ka mapahamak." sabi pa ni Lina.

"Unang una si Prince dahil siya ang pinaka sikat dito at ang taong gustong gusto ni Catherine the maldita girl."

"Si Prince? Bakit?"

"Hindi mo ba siya kilala?"

"N-nakilala ko na siya, p-pero hindi ko pa alam lahat ng tungkol sa kanila." nauutal na sagot ko sa kanya.

"Siya si Prince Del Fierro ang sumunod kay Renz Satiago Dela Vega kung yaman ang pag uusapan ng pamilya. Siya rin ang laging Rank 1 sa department niyo lalo na sa Math subject. Maging sa buong university top 1 siya lagi kaya naman halos lahat ng tao dito humahanga sa kanya. Ang alam ko pa nga bata pa lang siya tinagurian na siyang genius."

Nagulat ako sa sinabi ni Lina. Siya ang rank 1 at top 1? Ibig sabihin sobrang talino niya nakakabilib siya, ang gwapo na ang talino pa. Napangiti na lang ako sa naisip. Naalala ko na naman siya.

Ang mga seryoso niyang mga tingin na para bang inaakit ako. Makita ko pa lang siya para ng nakikipaghabulan ang puso ko sa sobrang bilis.

"Don't tell me you have a cruch on him?" naghihinalang tanong ni Lina. Nanigas ako sa tanong niya. Paano niya nalaman?

"H-huh? H-hindi ah." tanggi ko naman na hindi makatingin sa kanya. Cruch? May gusto nga ba ako sa kanya?

"Binabalaan lang kita maraming magtatangka ng masama sa'yo kapag nalaman nila na may gusto ka kay Prince. Hindi naman sa pinagbabawalan kita na magkagusto sa kanya pero kasi halos lahat ng mga babae sa university na to ay may gusto sa kanya nangunguna na dun si Catherine the queen bee. Panigurado gagawa sila ng paraan para mawala ka sa tabi ng sinasamba nila na si Prince." seryosong wika ni Lina.

Bakit bigla nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi nga ako nagkamali siya nga ang hinahabol ng mga babae noong nasa music room kami. Hindi na nakapagtataka na pagkaguluhan siya kahabol habol naman siya. Bakit ba kasi ang gwapo niya? "Pangalawa na dapat mong iwasan ay si Renz Santiago Dela Vega. Nasabi ko naman sayo kanina na pamilya nila ang pinaka mayaman. Pang Rank 4 siya. Marami din nagkakagusto sa kanya..... at kasama ako dun. Siya ang sinasabi ko sayo na nagugustuhan ko at ang dahilan kung bakit ako lumipat dito sa university na 'to." nakita ko na namumula siya. Napangiti ako sa sinabi niya kasi una pa lang kilala ko na ang sinasabi niya na nagugustuhan niya. Bagay sila ni kuya Renz pareho silang mabait.

"Huwag kang mag alala wala akong gusto kay Kuya Renz." nakangiting turan ko pa. "Kuya?"

"Oo, parang nakatatandang kuya kasi ang tingin ko sa kanya." napangiti naman siya sa sinabi ko. "Alam ko kasi nakita mo na kami magkasama pero wala kang dapat ipagselos do'n kasi we're just friends. Pakiramdam ko nga matagal na kami magkakilala e." nakangiting dagdag ko pa.

"Mabuti naman." tumatawang sambit nito. "Si Nikkolo Martinez naman ang pangatlo. Siya ang boyfriends ng halos lahat ng babae dito kasi nga halos lahat naging girlfriend na niya. Pang rank 5 naman siya." napasimangot ako bigla. Yung kulugo na yun hindi ko pa siya nakokotongan. Hindi na nakakapagtaka kasi unang araw ko pa lang nilalandi na niya ako, babaerong 'yun. Arggg! Pero pang rank 5 siya ibig sabihin magaling din siya. Hindi halata.

"Hindi mo na ako kailangan balaan sa Nikkolo pikolo na 'yun. Ayoko sa kanya masyadong babaero." natawa naman siya sa tinuran ko.

"Pang apat si Vince Jimenez. Siya ang pinaka magaling sa halos lahat ng sports. Mapa-basket ball, tennis or swimming lahat yun nangunguna siya. Pati na rin sa drag racing pareho sila ni Prince, silang dalawa lagi ang naglalaban. Pang rank 3 naman siya."

"Nagdadrag race si Prince?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango tango naman si Lina ng may panunudyong ngiti sa'kin. Bumalik sa seryoso ang mukha ko. Hindi ka naman masyadong halata Patty e, no! "Diba, bawal 'yun?"

"Bawal pero rich kid e. You know what I mean, right?"

"Sabagay."

Pero dilikado 'yun. Marami na akong napanuod sa balita na naaksidente sa ganyan. Hindi ko maiwasan na kabahan.

"Pang lima ay si Lance Agoncillo. Ang pinaka misteryoso sa lahat. Rank 2 siya. Wala akong masyadong masasabi sayo about sa kanya kung hindi ang mahilig siya magbasa ng libro at sobrang tahimik niya." "Lance? Sino siya? Hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon." nakakunot noo na tanong ko sa kanya.

Tumunog ang cellphone nito, kinuha ito sa bag at i-noff na alarm pala.

"I'm sorry Patty pero mag start na ang next class ko." malungkot na sabi niya. "Next time na lang ulit tayo mag usap ha."

"Okay lang. Ingat ka ha." ngumiti naman ito sa sinabi ko at nagwave bago tuluyang umalis.

Hindi na nakapag tataka na nasa university na 'to ang mga anak ng pinaka mayayamang tao sa bansa dahil sa sobrang laki nito. Kitang kita na pang mayaman talaga.

"Patty tara sabay na tayo pumunta sa cafeteria nagugutom na ako. Sabay na tayong kumain." pagyaya sa'kin ni kuya Renz na nakangiti matapos ang next class namin. Nung umalis kasi si Lina bumalik na rin ako sa room namin para doon na lang hintayin ang oras ng next subject ko.

"Sige kuya Renz. Ayusin ko lang itong gamit ko sandali." sagot ko naman sa kanya. Nitong mga nakaraang araw mas napalapit kami ni Renz sa isa't isa at mas nakilala ko siya. Kahit na binalaan ako ni Lina na 'wag ng maglalalapit sa kanya hindi ko mapigilan. There's something na kailangan ko pa siyang kilalanin. Hindi ko alam na sobrang lakas din pala niya kumain. Noong una na makasabay ko siya, nahihiya pa ako kahit na gutom na gutom na ako no'n. Pero ng makita ko na magana siya kumain lumabas tuloy ang pagiging matakaw ko wala ng hiya-hiya. Tuwang tuwa siya sa'kin no'n kaya naman umorder pa siya at tinambakan niya ako ng maraming pagkain.

Pagpasok pa lang namin sa loob ng cafeteria nakita kong halos lahat ng estudyante na nasa loob, sa'min nakatingin tapos magbubulungan. Ganito din noong una kaming kumain dito halos mailang ako. Alam ko na ngayon kung bakit dahil kasama ko ang isa sa mga heartthrob ng university na 'to. Panigurado kanina pa ako pinapatay sa utak ng mga babaeng may gusto kay kuya Renz.

Nakaupo na ako sa isa sa mga table dito at si Renz naman ang umoorder ng pagkain namin. Hindi ako pumayag noong una dahil nakakahiya na kaso mapilit siya. Napalingon ako sa isa sa mga table dito at nakita ang familiar na mga mukha ng tatlong babae. The queen bee and her friends. Masasama ang tingin nila sa'kin. Inalis ko na lang ang tingin sa kanila baka kasi hindi ako mtunawan mamaya.

Hinihintay ko na lang si Renz ng bigla umingay sa loob ng cafeteria. Nagkakagulo na ang mga estudyante specially girls. Lumingon ako sa entrance at nagulat ng makitang halos lahat ng kadepartment ko naririto. Kaya naman pala, magkakasama silang naglakad palapit sa table na kinaruroonan ko. Anong ginagawa nila dito... ng magkakasama? Pero nasaan si Prince? Bakit ko ba siya hinahanap? "Hi Patty." ani James.

"Hello there Cutie Pie." sabi naman ni pikolo este Niko na may pakindat kindat pa.

"Hello Pat-Pat." natawa naman ko sa tawag sa'kin ni Vince. Maging ang iba pang kolokoy kong kadepartment binati ako.

"Ano pala ginagawa niyo dito sa cafeteria ng magkakasama?"

"Para makasabay kumain ang ultimate Princess ng Zairin's department." ngiting ngiti na sabi ni Clark kasabay ni Luke.

"Princess? Sino?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanila.Content held by NôvelDrama.Org.

"Ikaw!" magkakasabay na sagot nila. Lahat tuloy ng mga tao dito sa cafeteria sa amin na nakatingin. Kung kanina yung mga babaeng may gusto lang kay Renz ang masama ang tingin sa'kin at yung grupo ni Catherine, ngayon lahat na sila. Sino ba naman ang hindi, halos lahat ng sinasamba nila naririto at kausap ako. Nalaglag ang panga ko sa sinabi nila.

"Ako? Ba't ako?" naguguluhang turan ko sa kanila habang turo turo ang sarili.

"Ikaw lang naman ang babae sa department natin." sagot naman ni Chinito boy na Yuki ang pangalan habang nakangiting umupo sa isa sa mga bangko doon.

"Naririto kami para sabihin sayo na wi-ne-welcome ka ng buong Zairin dahil nakapasa ka. Official ka ng Princess of Zairin's department." ngiting ngiti na sabi ni Vince. Namula ako sa bansag nila sa'kin. Bakit Princess pa? "Patty na lang itawag niyo sa'kin, nakakahiya."

"Marami na ang mga babae na sumubok na makapasok sa Zairin pero ni isa walang tumagal. Karamihan kasi sa kanila pumasok lang do'n para magpapansin sa lalakeng gusto nila." seryosong sabi ni Vince.

"Kaya naman mula ng malaman namin na may transferee na papasok sa department namin, na babae na naman akala namin isa ka rin sa kanila. Pero nagulat kami dahil ang galing mo napalitan mo agad si Vince sa pagiging rank 3 in just 4 days. Mula noong last year wala pang nakapagpabago ng rank namin, ikaw lang. Pinabilib mo kami kaya naman masaya kami na may official ng babae sa Zairin. Alam namin na mas gagalingan mo pa sa mga susunod." masayang sabi ni Niko. Nagulat ako kasi parang nag iba si Niko sa mga oras na ito habang sinasabi niya sa'kin ang mga 'yun. Para siyang nag mature at hindi isang babaero na nakilala ko.

"Masaya ako kasi tinggap niyo ako sa department niyo ng maluwag kahit na kakatransfer ko lang at hindi niyo pa ako kilala. I really appreciated that. Sobrang na-touch ako." matagal na katahimikan ang nagdaan samin. "Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." basag ni Luke sa ilang segundong katahimikan.

"Tapos ka na kumain?" nakakunot noo na tanong ni Niko.

"Hindi pa." sagot ko naman na hindi pa rin makapaniwala na ang tulad nilang maaangas at mukhang mayayabang tingnan may itinatago palang kabaitan.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" nagtatakang tanong ni James at maging yung iba parang 'yun din ang gustong itanong sa'kin.

"Ano kasi, umoorder pa lang si kuya Renz para sa'min." naiilang na sagot ko sa kanila at itinuro kung nasaan naroon si kuya Renz.

"Nagsosolo talaga yang si Renz. Hindi man lang kami sinabihan na sumama." -Vince

"Dinagit ka na naman mag isa." -Niko

"At Kuya Renz? Bakit kuya tawag mo sa kanya?" -Luke

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Yun kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya." nag aalangan na sagot ko habang napapakamot sa batok.

"Kung ganoon kuya na lang din ang itawag mo sa'min." sabi ni Yuki na nakangiti. Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Nailang ako bigla sa kanila. Pero nakakatuwa kasi dati pangarap ko lang na magkaroon ng mga kuya noon, ngayon tinupad ni God at sobrang dami pa nila. God is always the best in everything talaga.

"Bakit kayo nandito?" biglang sulpot ni kuya Renz sa pagitan nina kuya Clark at kuya Vince habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain. Sira na naman ang diet ko nito.

"Hoy Dela Vega bakit sinosolo mo itong si Princess." -Clark

"Hindi mo man lang kami sinabihan." -Luke

"At bakit ko naman kayo sasabihan? Guguluhin niyo lang si Patty baka hindi pa siya matunawan sa mga kalokohan niyo." masungit na sabi ni Renz sa mga ito at inilabag na ang dalang tray na puno ng pagkain sa table. "Aba't talagang. Ang sabihin mo gusto mo lang masolo si Cutie Pie." sabi naman ni kuya Niko.

"Hoy! Martinez tigilan mo nga si Patty sa kaka-Cutie pie mo d'yan. 'Wag mo siyang isama sa mga babae mo." baling pa nito kay kuya Niko na nakasimangot at umalis muli.

"Sandali lang Patty." nakangiti na nitong baling sa'kin. Siguro bipolar itong si kuya Renz pabago bago ng mood.

"Problema no'n?" nakakunot noong tanong ni kuya Luke.

"Baka gutom lang 'yon. Alam niyo naman yun maya't maya nagugutom, parang walang kabusugan." sabi naman ni kuya Vince na umupo na rin sa kabilang side ng table.

Sumunod naman ang iba pa at umupo na rin sa bawat bangko na naroroon. Yung iba naman ang ginawa idinugsong nila ang ibang table para magkakasama pa rin kami dahil anim lang ang pwede sa isang table. Nakakatuwa sila. Uupo na sana si kuya Niko sa katabi kong upuan ng bigla siyang pigilan ni kuya Renz.

"Hep hep hep! Stop right there Martinez. Ako d'yan." ani kuya Renz na may hawak na namang isang tray. Grabe gutom na gutom ba itong si kuya Renz. Mga ilang araw ba siyang hindi kumain? Umalis naman ang kawawang si kuya Niko na todo ang simangot.

"Satin ba yan Renz? Ang dami ah." ani Vince na prenteng nakaupo na sa tapat ko.

"Anong satin? Samin lang ito ni Patty. Bumili kayo ng inyo." sabay upo na rin sa tabi ko matapos niyang mapaalis si kuya Niko. Natawa naman ako sa naging reaction nilang lahat.

"Ipapakain mo lahat kay Pat-Pat yan? Anong palagay mo sa kanya tulad mo na may halimaw sa bituka?" ani kuya Vince na nanlalake ang mga mata. Natawa bigla si kuya Renz. Namula naman ako dahil sa hiya kasi tama siya. Bakit ba kasi ang lakas ko kumain?

"Para sabihin ko sa inyo pareho kami ng bituka nitong si Patty. Kaya niyang ubusin lahat yan." tumatawang sabi ni kuya Renz. Lalo akong nahiya. Kuya Renz naman e. Lahat sila gulat na gulat na nakatingin sa'kin. Napayuko na lang ako, ano ba yan nakakahiya tuloy.

"Teka! Nasaan pala si Prince? Bakit hindi niyo siya kasama pagpunta dito?" biglang tanong ni kuya Renz. Natigil naman ako sa pagsubo sana ng burger. Bakit nga kaya wala siya. Kanina ko pa yan naiisip.

"Pupunta lang daw siya sa music room saglit." sabi ni kuya Vince.

Nabilaukan ako bigla sa narinig. Pakiramdam ko bumara lahat ng kinain ko sa lalamunan ko ng marinig ang music room at si Prince.

"Ayos ka lang ba Patty?" hinagod hagod naman ni kuya Renz ang likod ko.

"Oh panyo Princess." abot naman sa'kin ni kuya Clark. Agad ko naman iyong kinuha at nagpasalamat sa kanya.

"Ewan ko ba do'n kay Prince halos araw araw pumupunta ng music room 'yun." sabi naman ni Niko.

Ano kaya ang ginagawa niya sa music room? Ba't siya laging nandoon?

"Baka naman nagpapractice lang ng bagong kanta niya." baliwalang sagot naman ni kuya Vince at kumain na ulit. Habang ako, ito halos hindi na malunok ang kinakain sa isipin na nasa music room muli si Prince at bumalik sa alaala ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa.

"Gutom na gutom si Cutie pie oh." ani kuya Niko. Hindi ko namamalayan napapalakas ang kain ko. Bahala na, biglang nawala ang hiya ko. Mas gusto kong mawala sa isipan ko si Prince at ang halik na 'yun. Nakangiti namang hinagod ni kuya Renz ang ulo ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.