In A Town We Both Call Home

Chapter 18



Chapter 18

“LEA, mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan. Ako na lang, please? And I promise I

will never make you feel lonely. Hayaan mong ibangon ka ng pagmamahal ko. I can be Janna’s father. I

will treat her as my own. I will love her. And I will treat you as my own, too. I will love you, too. With all

that I have. With all my heart.”

Napatitig si Lea kay Timothy. Noon niya pa nararamdaman na iba na ang pagtingin nito sa kanya.

Kabisadong-kabisado niya iyon. Dahil ganoong-ganoon rin siya kay Jake noon. Pero dahil hindi ito

nagsasalita ay nanahimik rin siya. She didn’t want to lose their friendship.

But that was before. Naalala ni Lea ang mga magulang at si Janna. Tinanggap siya ng mga ito. Wala

nang tanong pa. Naalala niya rin ang pag-iyak ng mga magulang nang mayakap ang kanyang anak.

She breathed heavily. Ngayon ay nakatulog na ang anak kaya nagpaalam siya sa mga magulang na

maglalakad-lakad na muna. Pero bago iyon ay may sinabi ang mga ito sa kanya.

“Mawawala lang ang sakit kapag huminto ka nang mahalin kung sino man siya na nagpapahirap sa

loob mo ngayon.”

Kanina pa itinatanong ni Lea sa sarili kung paano nga ba iyon. And then came the only man who stood

by her side through the years. Iyong isang taong alam niyang pagod na pagod na ang mga kamay sa

pag-alalay sa mga pasyente nito pero paulit-ulit pa rin siyang sinasalo. The worst thing about falling in

love was watching the one you love become busy catching someone else. Naranasan niya na iyon

pero ipinaranas niya pa rin kay Timothy.

Pero wala siyang narinig mula rito. Basta nanatili lang ito sa tabi niya. “I can’t promise you anything,

Tim.”

“I’m not asking for anything, Lea. Just let me love you. Freely, this time.”

Unti-unting napatango si Lea. Agad namang bumakas ang kasiyahan sa gwapong mukha ng binata.

Muli ay nakulong siya sa mga braso nito. Ipinikit niya ang mga mata. Pagod na siyang mahulog. Gusto

niya namang may sumalo sa kanya. Gusto niyang maramdaman na mahalaga siya, gusto niya ng

taong magsasabi sa kanya na mahal rin siya, ng taong mag-aalaga rin sa kanya, ng taong siya naman

ang iisipin. Dahil iyon ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon.

Kailangan niya rin siguro ang maranasan ang mahalin rin. Para maiangat niya na ang sarili. Para

makabangon. Baka sakaling sa ganoong paraan ay matuto siyang magmahal naman ng iba. Gumanti

siya ng yakap kay Timothy.

Simula sa araw na ito, kalilimutan ko nang mahal kita, Jake. Simula sa araw na ito, buburahin na kita

sa isip ko. Minu-minuto kong gagawin iyon hanggang sa makasanayan ko. Hanggang sa maging oras

ang minuto, maging araw, maging linggo, buwan at taon. Hanggang sa magkita tayong muli at wala na

ang lahat ng sakit. Wala na… dahil wala na rin ang pagmamahal ko sa ’yo. Dahil ang sakit… hindi ba’t

kadikit ng pagmamahal?

Two years later…

TO THE most beautiful woman in the world,

When I met you, I knew that very moment that God wanted me to fall in love. Good morning, wife. I

love you so much!

Always,

Timothy

Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Lea sa nabasa. Inabot niya ang isang bouquet ng

dilaw na mga rosas at inamoy. Lumawak ang kanyang pagkakangiti. Masiglang bumangon na siya at

nag-ayos. Pero bago pumunta sa kusina kung saan alam niyang naghihintay na si Timothy ay

dumeretso na muna siya sa kwarto ng mukhang kagigising lang din na anak. Naabutan niya itong may

hawak ding mga rosas. Pink naman ang kulay ng mga iyon.

Matamis ring ngumiti sa kanya ang anak. Lumapit siya sa kama nito at marahang hinagkan ang noo

nito. “We will be meeting your Dad today. Are you ready, sweetheart?”

Naglaho ang ngiti ni Janna. Sumeryoso na si Lea. Naupo siya sa tabi ng anak at maingat na ipinaharap

ang mukha nito sa kanya. Sa loob ng nakaraang dalawang taon ay parating umiiwas ang anak na pag-

usapan ang tungkol kay Jake. Hinayaan niya lang ito. Pero ngayong nakabalik na sila sa Pilipinas ay

hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa. Hindi na iyon magiging patas para sa ama nitong alam niyang

matagal nang naghihintay rito. Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!

Napahugot si Lea ng malalim na hininga. “Listen to me, sweetheart. Your Daddy loves you. Parati kong

sinasabi sa ‘yo na huwag kang magagalit sa kanya. He did the best he could. We both did our part. I

know how much you still believe in fairytales.” Bahagya siyang napangiti nang maalala kung paanong

sa kabila ng edad ng anak ay magkasama pa rin nila itong binabasahan ni Timothy ng fairytale gabi-

gabi.

At ikinatutuwa ni Lea iyon. Dahil nangangahulugang hindi tuluyang nasira ng paghihiwalay nila ni Jake

ang mga paniniwala ng bata. “Pero siguro may mga pagkakataon talagang hindi por que may princess

na ang king and queen ay magkakaroon na sila ng happy ever after. Sometimes, no matter how much

we try, things won’t still end up the way we want them to be.”

“But Daddy hurt you so much before! I can’t forgive him for that!” Namumula ang ilong na sinabi ni

Janna tanda ng papalapit nang pag-iyak nito.

Nasorpresa si Lea. “But when you fall in love, to be hurt is inevitable, sweetheart. Mauunawaan mo rin

‘yon kapag malaki ka na. Saka happy na si Mommy ngayon. I do have my own king now, don’t I? I just

wish your Daddy will find his own queen, too who will treat you like a princess, too. Kapag nangyari

‘yon, dalawa na ang magiging family mo. Dalawa ang magiging palasyo mo.” Ngumiti siya.

“Nakapagpatawad na si Mommy. Ikaw rin sana, sweetheart. Basta kapag nakita mo ang Daddy mo

mamaya, tell him everything you want to say. So he can explain his side as well, okay? And please,

listen to him, too.”

Tumango ang bata. Iniwan na muna ito sandali ni Lea para makaligo at makapagbihis bago siya

tumuloy na sa komedor. Naabutan niyang abala si Timothy na naghahain. At lahat ng mga iyon ay

paborito nila ni Janna. Ilang segundong pinagmasdan niya na muna ang asawa bago niya ito nilapitan

at niyakap mula sa likod nito.

“I love you.” Bulong niya.

Sandaling binitiwan ni Timothy ang hawak na pitsel bago kumawala sa kanya. Humarap ito sa kanya at

pinaulanan ng mumunting halik ang kanyang mukha. “And I love you, too, wife.” Nangingislap ang mga

matang sagot nito bago siya mabilis na hinalikan sa mga labi.

Ganoon lang at buo na ang araw ni Lea. Iba din talaga ang hatid sa pakiramdam na mag a-I love you

ka at may sasagot sa ‘yo ng I love you, too. Apat na buwan na rin simula nang ikasal sila ni Timothy.

Pero araw-araw, pakiramdam niya ay nililigawan pa rin siya nito. Noong araw na pumunta ito sa

probinsya nila dalawang taon na ang nakararaan ay binago nito nang tuluyan ang buhay niya. Isang

pagbabagong hindi niya inasahan. But it was such a beautiful change that she welcomed it with open

arms.

Tandang-tanda niya pa noong gabing umuwi siya sa bahay ng mga magulang kasama si Timothy.

“They were asking me about my Daddy, Mommy.” Agad na bungad ni Janna na nadatnan ni Lea na

kausap ang lolo at lola nito sa sala ng bahay nila. Tumayo ang bata at sa pagkagulat niya ay

hinawakan ang mga kamay nila ni Timothy. “Siya po.” Nakangiting sinabi pa nito patungkol sa binata.

“Siya po ang Daddy ko.”

“Right.” Salo rin kaagad ni Timothy nang makabawi sa pagkasorpresa. “Janna is… my daughter. I’m

truly sorry, ma’am and sir if it took me a long time before I came here, before I was able to fight for my

family.” Masuyong nilingon siya ng binata. “Pero natuto na po ako. I’m Timothy Harrison, ma’am and

sir. I will take good care of my family from now on. Hinding-hindi ko po sila paiiyakin. Pangako.”

Ilang araw lang silang nanatili sa Pangasinan pagkatapos ay sumama silang mag-ina kay Timothy sa

New Zealand na may basbas na rin ng kanyang mga magulang. Hindi na nagtanong pa ang mga ito.

Basta tinanggap na lang ang binata.

Gustong-gusto ni Lea ng pagbabago sa buhay niya noong mga panahong iyon. Gustong-gusto niyang

lumayo. And she held on to the only man who promised her that change. And she never regretted it

even for a moment. Hindi siya nagkamali nang ang piliin niya ay ang taong nagmamahal sa kanya. It

was his love that helped her heal. Sobra-sobra ang pagmamahal na iyon at walang araw na hindi niya

naramdaman.

Sa New Zealand sila nagsimula uli. Pero siniguro niyang hindi sila mawawalan ng communication sa

mga magulang. Madalas na silang nagtatawagan. At patuloy rin ang naging pagpapadala nila rito.

Bawat pagsisimula ay hindi nagiging madali. But Timothy was there not just for her but also for Janna.

He had been so constant in their lives from the very beginning. Sa iisang village sila tumira na ilang

bahay lang ang pagitan mula sa isa’t isa. Sa ospital roon nagtrabaho si Timothy. Siya naman ay naging

partner ng pinsan ng binata sa architectural firm roon. Business had been good. Doon na rin

nakapasok si Janna. Ipinakilala rin siya ng binata sa mga magulang nitong doon nakatira. Sa kabila ng

pagkakaroon ng anak ay masaya siyang tinanggap ng mga ito pati na si Janna.

Sa pagitan naman nila ni Timothy ay parang wala halos ipinagbago. Naging mas open lang ito sa

nararamdaman. Dalawa sila nitong nililigawan ng kanyang anak na noon pa man ay malapit na talaga

rito. He was persistent. Inalagaan sila nito. At hindi ito mahirap mahalin. He was everything that she

could ask for. Nang makasiguro na si Lea sa nararamdaman ay pumayag siyang magpakasal sa

binata. It’s the million things he kept doing every day. They worked. She fell in love with him, too.

Sa wakas ay naikasal na rin si Lea. Naihatid rin siya ng ama sa altar. That was one of the best days of

her life… marrying the one she loves and who loves her back. Timothy had been the best bestfriend.

And now, he was proving to be the best husband and father as well. Napakaswerte niya rito. Pati ang

anak ay nararamdaman niyang masaya sa piling ng pangalawang ama nito.

Sa kasalukuyan ay umuwi lang sila sandali sa Pilipinas para magbakasyon. Dalawang buwan sila roon.

Pagkatapos ay babalik na rin sila uli sa New Zealand dahil nagustuhan niya na rin ang buhay roon.

Kahit ang anak ay ganoon rin. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya. She was completely happy.

Kung meron man siyang ipinagdarasal gabi-gabi ay ang mabiyayaan na sila ni Timothy ng anak.

Marahang idinikit ni Timothy ang noo nito kay Lea. “Handa ka na ba? You’re going to see him again

after two years.”

Ngumiti si Lea. Ikinawit niya ang mga braso sa batok ng asawa. “Your love made me ready to face

anything in the world. Thank you for never giving up on me, Tim.” Emosyonal nang bulong niya. “I love

you so much.”

Sandaling natigilan ang asawa bago gumanti ng ngiti. “I kept hearing you say that. Pero hindi pa rin

ako sanay. Hindi ko inasahang mamahalin mo ako. Ang ginusto ko lang, makasama ka. But God is

always good. He gave me more than that. Thank you for loving me, Lea. I love you so much.”

Mayamaya ay naging pilyo na ang ngiti nito kasabay ng paglalakbay ng kamay sa kanyang katawan.

“Sayang. Kung wala lang tayong lakad ngayon, I would’ve made love to you the entire morning.”

Natawa si Lea. “Bawi ka na lang mamayang gabi.”

Nalukot ang gwapong mukha ni Timothy. “Sana gabi na agad.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.