Chapter 10: Masakit na katotohanan
NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon.
"Are you ok?" tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie. "Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan.
"A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata.
"Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiiyak si Joy.
"Kailangan kong puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag at hindi pinansin ang inaabot ng binata.
"Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.
Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kung kaya thirty minutes lamang ay naroon na sila sa isang malaki at pribadong hospital. Nagtataka man kung bakit tila kilala ng amo ang buong mag-anak ng kapatid ay hindi na siya nagtanong. Mas importante sa kanya ngayon ang makita ang kapatid at malaman ang sakit nito.
Pagkabukas ng pinto ay agad na sinalubong ni Joy ang manggagamot. "Doc, kumusta po ang kapatid ko?"
"Ikaw ba ang kanyang kakambal?" Pinakatitigan ng doctor ang mukha ng kaharap.
"Ako nga po, okay lang po ba siya?"
"Sa ngayon ay ok na siya, pero hindi ko masasabi kung hanggang kailan na lang itatagal ng buhay niya. Mahaba na siguro ang limang buwan." Malungkot na tugon ng doctor. Pakiramdam ni Joy ay namanhid ang buo niyang katawan at para siyang nabingi.
"Hinahanap ka niya, maari ka nang pumasok sa loob." Dugtong pa nito at walang idea na walang alam ang kaharap tungkol sa sakit ng kapatid nito.
"Sa-sandali po, ano ang pinagsasabi mong hindi na tatagal ang kapatid ko?" Garalgal ang boses na hinawakan sa braso ang Doctor.
Mabilis na nilapitan ni Lydia ang dalaga at tulad nito ay lumuluha rin.
"Joy, patawarin mo kami kung inilihim namin ito sa iyo dahil iyon ang gusto ng kapatid mo. Sana maunawaan mo at-"
"Hindi totoo iyan!"
Tigmak ng luha ang pisngi ng dalaga. Hindi na natapos ni Lydia ang iba pang paliwanag dito dahil nagwala na ang dalaga.
"Joy, baka marinig ka ng kapatid mo, lalo lamang siya masasaktan." Awat ni Yosef sa dalaga at pilit na pinatatayo nang umupo ito sa sahig habang umiiyak.
"Alam mo rin ang tungkol dito at kilala mo siya noon pa?" galit ang makikita ngayon sa mukha ng luhaang dalaga.
"Teka, mali ka sa iyong iniisip!" Gusto pa sanang magpaliwanag ni Yosef ngunit biglang tumayo ito at pinagtutulakan siya palayo.
"Bakit ninyo ako pinagkakaisahan? Bakit ninyo inilihim sa akin ang sakit ng kapatid ko? Bakit?" Nagsisigaw dahil sa sama ng loob at galit si Joy. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa pinaghalong emosyon kung hindi siya sisigaw. "Hija, huminahon ka!" Tumulong na rin sa pag-awat dito ang ina ni Yosef. Awang-awa sila sa dalaga na hindi na ininda ang hitsura nang mga oras na iyon.
"Joy!"
Panabay na sigaw ng mga naroon nang mawalan ng malay ito. Mabuti na lang at naging maagap si Yosef sa pagsalo dito.
Agad na dinala sa kabilang silid si Joy at sinuri ng doctor.
"Normal lamang ang pagkawala ng kanyang malay dahil sa nabigla sa pangyayari kanina." Paliwanag ng doctor na siyang sumuri sa dalaga. "Salamat, Doc," ani Yosef na siyang naiwan upang bantayan ang dalaga.
"Ngayon ka niya lubos na kailangan kaya huwag mo siyang iwan." Payo pa ng manggagamot sa pag-akala na kasintahan siya ng dalaga.
Hindi na ito itinama ni Yosef, nang makalabas ang doctor ay umupo siya sa tabi ng kama ng dalaga. Tulog pa rin ito ngunit bakas ang lungkot sa mukha nito. May bahagi sa kanyang puso na hindi kaya makita ito na malungkot habang buhay at mamuhay ng tuluyan sa loob ng kumbento.
Inayos niya ang pagkapatong ng eyeglass ni Joy sa isang maliit na table na naroon. "Ikaw po muna ang bahala sa kanya, puntahan ko lang si Marie." Paalam ni Yosef sa kanyang Ninang Lydia nang pumasok ito sa loob.
"Pinapatawag ka nga niya kung kaya ako narito." Malungkot na sagot ng ginang.
Napabuntonghininga siya bago sinulyapan muli ang natutulog na dalaga bago tuluyang umalis.
"Kumusta siya?" Matamlay na tanong ni Marie pagkakita sa binata.
"Still sleeping," maiksing sagot nito at umupo sa isang upuan na naroon.
"Ito ang kinatatakotan ko na mangyari, mas matanggap ko pa na mawala na ako sa mundong ito keysa sa makita siyang malungkot at hindi matanggap na aalis na sa mundong ito." Nakapikit ang mga mata na wika ni Marie habang umiiyak. "Tutuparin ko na ang nais mo para sa kanya."
Biglang napamulat ng mata si Marie sa narinig. "Gagawin mo lang ba iyan dahil sa hiling ng taong malapit nang mamatay o dahil sa awa sa kanya?"
"Gusto ko na maging payapa ang iyong kalooban sa mga araw na nalalabi mo pa sa mundong ibabaw. I feel something special for her also at sapat na siguro iyan na dahilan upang hindi mo isipin na sasamantalahin ko lamang ang kanyang kahinaan." Seryoso ang mukha ng binata na nakatingin sa kausap.
"Thank you!" Malugod na pasasalamat ni Marie dito. Ang lungkot ay bahagyang napalitan na ng saya. Isa na lang ang gusto niyang mangyari, ang matanggap ng kapatid na iiwanan na niya ito habangbuhay.
Tama lang na hinawakan ni Yosef ang kamay ng kaibigan nang biglang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok doon si Divine Joy.
"Kapatid ko!" Nag-uunahan na naman sa pagtulo ang luha ni Joy nang makita ang maputlang mukha ng pinakamamahal na kapatid. Kanina pa niya hinihiling maging sa pagtulog na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.
"Ate, patawad!" Humagulhol na rin ng iyak si Marie.
Umiwas ng tingin sa dalawa ang binata at walang paalam na iniwan muna ang mga ito. Hindi niya alam kung para kanino ang sakit na naramdaman dahil sa tagpong nakikita.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Sana ay naipagamot agad kita at naalagaan!" Mahigpit ang yakapan nila habang umiiyak.
"Patawad, Ate, huli na ang lahat nang matuklasan ang sakit ko. Ayaw kong gumastos pa na alam ko namang wala din mangyayari. Mas mahalaga ka sa akin at gusto ko na nasa maayos kang buhay bago kita iwan." Gumanti ito ng mas mahigpit na yakap sa kapatid.
Lalong lumakas ang iyak ni Joy habang umiiling. Hindi matanggap ang kalagayan ng kapatid ngayon.
"Huwag mo silang sisihin, Ate, kagustohan ko na itago sa iyo ang lahat noong una dahil ayaw kong makita mo akong naghihirap sa aking sakit." Muling wika nito at pinaliwanagan ang kapatid.
Kahit sinabi na ni Marie ang lahat ay hindi pa rin nawala ang sama ng loob nit. Maging sa kanyang amo na mas nauna pang nalaman ang tungkol sa sakit ng kapatid at pagkatuklas na may kakambal siya.
"Ate, please kausapin mo na si Yosef." Panunuyo ni Marie sa kapatid nang hindi nito manlang tapunan ng tingin si Yosef na naroon na sa loob dahil pinatawag niya.
"Hayaan mo na lang muna siya Marie, naintindihan ko siya." Nakakaunawa na ngumiti ito sa kaibigan.
"Pakihatid na lang siya Sef sa bahay pagka-uwi."
"Hindi ako uuwi, dito lang ako at hindi na ako papasok sa trabaho dahil aalagaan kita." Matigas na tanggi ni Joy sa kagustohan ni Marie.
"Huwag mong gawin iyan Ate, please! Ito ang ayaw ko na mangyari kung kaya ayaw ko na malaman mo noon ang sakit ko." Malungkot na turan ni Marie.
Si Yosef ay kinakabahan na baka totohanin ni Joy ang sinabi. Paano niya matupad ang pinangako kay Marie kung lalayo ito sa kanya?
"Wala ng dahilan pa upang manatili ako bilang secretary niya." Inirapan muna nito ang lalaki bago humarap muli sa kapatid. "Alam mo na dahil lang sa iyo kung bakit ako napadpad sa lugar na iyon." Muling nalungkot na tumitig sa kapatid. "Ate, akala ko ba hindi mo na palungkotin ang araw ko mula sa araw na ito?" pinalungkot pa lalo ni Marie ang mukha upang makunsensya ang kapatid.noveldrama
"Hindi ka ba masaya na dito lang ako sa iyong tabi at mag-aalaga sa iyo?" Buong pagmamahal na hinaplos ang unti-unting nalalagas na buhok ng kapatid.
"Sila ang umako sa gastusin ko dito sa hospital dahil ubos na ang pera nila Mama." Naisip na idahilan ni Marie upang mapilitan ang kapatid na manatili sa trabaho at nang makilala pa nito ng husto si Yosef.
Nakasimangot na lumingon ito sa binata na nakangiti na ngayon sa kanya. "Paano kita mabayaran?"
Tumingin muna ng palihim kay Marie ang binata bago sinagot ang tanong ni Joy. Nakangiti na tumango ito na sila lang ang nakakaintindi kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Hindi naman ako naniningil pero kung mapilit ka at ayaw mong tumanaw ng utang na loob, ok na sa akin na manatili kang secretary ko habangbuhay." Nakangiting sagot niya dito.
"Ano? Sobra naman yata ang habangbuhay? Para naman akonh maging bilanggo niyon?" reklamo ng dalaga.
"Ate, maganda ang alok niya sa iyo, mahirap din maghanap ng matinong trabaho ngayon. Makakatulong din iyan upang matulongan mo at maipagpatuloy ang pagkupkop sa mga batang palaboy sa kalye katulad natin noon." Sabat ni Marie sa pag-uusap ng dalawa.
Wala na ngang nagawa si Joy kundi ang manatili sa trabaho. Tama ang kapatid, ayaw niyang pati ang kumbento ay mawala sa kaniya. Sobra pa rin siyang nasasaktan sa kalagayan ng kapatid ngayon. Pero kailangan niyang pakatatag at huwag na ipakita dito ang tunay na saloobin upang hindi ito malungkot.
Pinagpasalamat na lamang niya at ok lang sa amo na um-absent siya palagi sa trabaho upang maalagan ang kapatid at sinasamahan pa siya ng binata minsan.