Kabanata 5
Kabanata 5
Kabanata 5 Sa sobrang gulat ni Avery, bigla siyang napaatras.
Si Elliot ay parang isang mabangis na halimaw na kagigising lang mula sa isang napaka himbing na pamamahinga. Para itong isang maamong tupa noong natutulog ito, pero ngayong gising na ito… sobrang nakakatakot.
Lumabas si Mrs. Cooper ng kwarto at dahan-dahang sinarado ang pintuan.
Nang makita niya si Avery, na halatang takot na takot, sinubukan niyang oakalmahin ito, “Wag kang matakot, Madam. Kagigising lang ni Master Elliot kaya nagulat siya sa balita. Siguro sa guest room ka muna matulog ngayong gabi at bukas nalang tayo mag-usap. Gusto ka Madam Rosalie kaya sigurado akong hindi ka niya pababayaan.
Gulong gulo ang isipan ni Avery. Ang buong akala niya ay mamatay na talaga si Elliot at kahit kailan hindi sumagi sa isipan niya na magigising pa ito.
“Mrs. Cooper, yung mga gamit ko… nasa kwarto pa…” Takot na takot na sabi ni Avery habang nakatingin sa pintuan ng master’s bedroom, na para bang gusto niyang sabihin na kung maari ay makapasok siya sandali para lang kunin ang mga gamit niya.
Base sa sama ng tingin sakanya ni Elliot kanina, malakas ang pakiramdam niya na hindi siya kayang tanggapin nito bilang asawa.
Sa puntong ito, handa na siyang umalis ng mansyon anumang oras.
Nagbuntong hininga si Mrs. Cooper at sumagot, “Hayaan mo muna sa loob ang gamit mo kung hindi naman ganun kaimportante ang mga yun. Ako nalang kukuha bukas ng umaga.”
“Okay,” Sagot ni Avery, sabay tanong, “Hindi ka ba natatakot sakanya?”
“Matagal na akong nagtatrabaho sakanya. Mukha man siyang nakakatakot, pero ni minsan hindi ko yan naging sakit sa ulo.” Sagot ni Mrs. Cooper.
Tumungo nalang si Avery at hindi na sumagot pa.
Asawa man siya ni Elliot sa papel, ito pa rin ang unang pagkikita nila kaya naiintindihan niya ang naging reaksyon nito.
HIndi nakatulog si Avery noong gabing ‘yun. Sobrang daming tumatakbo sa isip niya.
Ngayong gising na si Elliot, sira na ang mga plano niya.
……
Pagsapit ng alas otso ng umaga kinabukasan, kinuha ni Mrs. Cooper ang mga gamit ni Avery sa loob ng master’s bedroom at dinala ang mga ito sa guest room, kung nasaan siya. This is the property of Nô-velDrama.Org.
“Breakfast na po, Madam” Sabi ni Mrs. Cooper. “Naghihintay na si Master Elliot sa dining room kaya bumaba ka na kaagad nang magkakilanlan kayo kahit papaano.
“Sa tingin ko, hindi naman niya ako gustong makilala.” Pabulong na sagot i Avery.
“Pero kailangan mo pa ring kumain. Sige na! Hindi nga siya nagalit noong sinabi ko sakanya na gusto ka ni Madam Rosalie! Sa tingin ko mas maganda ang mood niya ngayon.”
Pagkababa ni Avery sa dining room, nakita niya kaagad si Elliot, na nakaupo sa wheelchain nito.
Nagagalaw na nito ang braso nito, buti nalang talaga at tuloy-tuloy lang ang routine muscle training nito.
Halata na sobrang tangkad nito kahit pa nakaupo lang ito.
Kinakabahan na umupo si Avery sa upuan na hinanda para sakanya ni Mrs. Cooper.
Walang lumabas na kahit ano mula sa bibig ni Elliot kahit pa noong inangat ni Avery ng tinidor.
Hindi mapigilan ni Avery ang sarili niya kaya sinilip niya si Elliot, na siya namang umagaw rin ng atensyon nito.
Nagkatitigan sila pakiramdam niya ay kakainin siya ng lupa noong mga oras na ;yun.
“Hi… A… ako si Avery Tate…” Kinababahan na pagpapakilala ni Avery na siyang bumasag sa katahimikan.
Iniangat ni Elliot ang tasa ng kanyang kape at humigop. Pagkatapos, biglang nagsalita si Elliot, na may tonong sobrang nakakapanindig balahibo. “Balita ko may posibilidad daw na buntis ka ng anak ko.”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery, at noong oras na yun, pakiramdam niya ay nawalan siya bigla ng ganang kumain.
“Anong mas gusto mo? Surgical o medical abortion?”
Sobrang kalmado lang ng boses ni Elliot pero sobrang sakit ng mga salitang binitawan nito.
Biglang namutla si Avery at hindi niya alam kung paano siya sasagot.
Sa kabilang banda, nang maramdaman ni Mrs. Cooper na medyo nakakailang na ang awra, dahan- dahan siyang lumapit at sinabi, “Master Elliot, ang tungkol po sa bata ay idea ni Madam Rosalie. Wala pong kinalaman ‘dun.”
“Wag mong isasali sa usapan ang nanay ko para ipressure ako.” Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig kay Mrs. Cooper.
“Elliot—” Magsasalita na sana si Avery pero bigla siyang pinatigil ni Elliot.
“Sinong nagbigay sayo ng permisong sabihin ang pangalan ko?”
Hindi inaasahan ni Avery ang naging reaksyon ni Elliot kaya naguguluhan siyang sumagot, “Ano bang dapat kong itawag sayo? Dapat ba ‘Honey?”
Hindi nagustuhan ni Elliot ang sinabi ni Avery kaya nanlilisik ang kanyang mga mata na tinitigan ito.
Pero bago pa man din siya tuluyang magalit, nagmamadali nagsalita si Avery para kumalma siya.
“Hindi ako buntis. May period nga ako eh. Kahit itanong mo pa si Mrs. Wilson. Nanghingi ako sakanya kanina ng tampon.”
Nanatiling tahimik si Elliot. Muli niyang kinuha ang tasa ng kanyang kape at humigop.
Nang maramdaman ni Avery na kumukulo ang kanyang tiyan, hindi na siya nagdalawang isip na kainin ang pagkain na nasa harapan niya.
Binilisanb nuiyang ubusin ito, at nagmamadali siyang tumayo para kunin angt kanyang mga gamit – handang handa na siyang umalis sa mansyon.
Ngayong gising na si Elliot, ideya palang na nakatira sila sa iisang bubong ay sobrang naiilang na siya.
“Ihanda mo na ang mga dokumento mo. Magdidivorce tayo.” Walang emosyong sabi ni Elliot.
Biglang natigilan si Avery, pero hindi na rin naman siya nagulat dahil yun din ang inaasahan niya.
“Ngayon na ba?”
“Hindi pa ngayon.” Sagot ni Elliot.
Sobrang nagulat si Rosalie sa mga nangyari kagabi kaya agad-agad itong sinugod sa ospital dahil sa hyoertension.
Gusto sana ni Elliot na hintayin munang medyo umayos ang kundisyon ng nanay niya bago pag’usapan ang tungkol sa divorce.
“Okay, sabihan mo lang ako kung kailan.” Sagot ni Avery bagi siya nagmamadaling tumakbo pabalik sa guest room.
Kinuha niya lang ang kanyang bag, at wala pang limang minuto ay muli siyang lumabas.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang isang pamilyar na bisita na nakatayo sa sala.
Si Cole.
Halata sa itsura nito ang sobra-sobrang pagkatakot. Para itong asong bahag ang buntot na magalang na nakatayo sa tabi ng wheelchair ni Elliot.
“Uncle Elliot, bibisitahin po ng mga magulang ko si lola ngayon sa ospital, kaya pinapunta po ako dito ni Daddy para ibigay ito sainyo.” Inilapag ni Cole ang isang kahon na puno ng mga supplement sa coffee table.
Tinignan ni Elliot ang bodyguard na nakatayo sa tabi niya.
Nakuha agad ng lalaki kung anong gusto niyang mangyari kaya kinuha nito ang dala ni Cole at tinapon.
“Uncle Elliot!” Nanginginig sa takot si Cole. “Yun po ang pinaka magandang supplements at vitamins, pero kung ayaw niyo po ‘nun, ikukuha ko kayo ng kahit anong gusto niyo… wga na po kayong magalit!”
Pagkatapos napagkatapos magsalita ni Cole, is namang bodyguard ang biglang sumipa sa likod ng tuhod niya kaya napaluhid si Cole sa harapan ni Elliot.
Gulat na gulat si Avery sa napapanuod niya.
Wala siyang idey kung anong nangyayari, pero hindi siya makapaniwala na sobrang bayolente ni Elliot sa sarili nitong pamangkin.
“Mahal kong pamangkin, siguro sobrang disappointed mo na gising na ako ngayon, no?” Sabi ni Elliot habang itinatapat sa labi nito ang hawak nitong sigarilyo.
Nagmamadaling naglabas ng lighter ang bodyguard.
Walang maintindihan si Avery.
Kagabi lang nagising si Elliot, pero nagkakape at nagsisigarilyo na ito kinabukasan. Ano bang tingin niya sa sarili niya? Super hero?
Napahiyaw si Cole sa sobrang sakit. Mangiyak-ngiyak siyang nagsalita, “Siyempre naman po… masaya ako na gising na kayo… sana naman po ay–”
“Kinokontrahan mo ba ako?” Tumaas ang isang kilay ni Elliot. Parang kalmado lang ang tono ng boses ni Elliot, pero ramdam sakanyang mga salita kung gaano kabigat ang mga ito. “Wala ka bang balak umamin na sinubukan mong suhulan ang abogado ko?”
Sinadya ni Elliot na gawing ash tray ang mukha ni Cole, pagkatapos, bigla siyang sumigaw. “Layas! Subukan mo pang manggulo ulit dito at ipapalapa talaga kita sa mga aso.”
Takot na takot si Cole kaya kumapiras siya ng takbo palabas ng mansyon.
Hindi kayang kumalma ni Avery sa nakita niyang eksena.
Takot na takot siya kay Elliot.
Kahit mukha ng matapang at hindi matitibag ng kahit sino si Cole ay naduwag pa rin ito…
Natatakot na gumawa ng kahit anong ingay si Avery dahil ayaw niyang mabaling sakanya ang atensyon ni Elliot.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bag at kumaripas ng takbo palabas ng mansyon.
Pupunta siya sa ospital dahil may schedule siya ng check up ngayon.
Delayed ang period niya, at ang hindi niya maintindihan ay bakit konting dugo lang ang lumalabas sakanya kumpara sa normal niya.
Ngayon lang to nangyari sakanya.
Pagkarating nbi Avery sa ospiutal, pinaliwanag niya ang sitwasyon niya sa doktor, na siyang nagpagawa ng ultrasound sakanya.
Makalipas ang isang oras, nakuha niya kaagad ang resulta.
Wala namang nakitang pagdurugo sa tiyan niya…
Ngunit mayroon nakitang gestational sac- buntis siya!