Chapter 20
Chapter 20
HINDI kaagad nakalapit si Selena kay Dean kahit pa nakita niya na ito sa tapat ng gate ng kanilang
mansyon. Nakaupo ang binata sa hood ng kotse nito at nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng suot
na leather jacket. Nakatingala ito sa kalangitan kaya hindi kaagad siya napansin nito.
Hindi inakala ni Selena na papayag si Dean na makipagkita sa kanya ng ganoong oras. Ayon rito ay
mahigit apat na oras ang distansya ng unit nito sa mansyon ng kanyang pamilya. Pero nagmaneho ito Belonging © NôvelDram/a.Org.
ng ganoon kalayo para lang pagbigyan siya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Noon naman
lumingon ang binata sa gawi niya na para bang naramdaman na nito ang presensiya niya.
Nagtama ang kanilang mga mata. Parang napakaraming gustong sabihin ni Dean base sa mga titig
nito sa kanya. Kung sana ay kaya niyang basahin ang nilalaman ng isip nito. He looked wonderful just
sitting there. Tinatangay ng pang-umagang hangin ang mahabang buhok nito. At kahit pa
nangangalumata ito ay hindi pa rin nabawasan ang gandang lalaking taglay nito.
Halos hindi makapaniwala si Selena na pinupuri niya si Dean. Kung malalaman lang siguro ng mga
kaanak o ni Adam ang mga iniisip niya ay wala na siyang mukhang maihaharap pa sa mga ito.
“Gusto kitang lapitan.” Anang binata. “Pero nag-aalala ako na baka maalarma ka. Kaya kung handa ka
na, you can sit beside me.” Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito bago ito matipid na ngumiti. “It was so
good to see you in the morning, Selena. Magandang panimula ng araw. Just like the old-“ Mayamaya
ay napailing ito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Selena. “You were saying?”
Muling napangiti na lang si Dean pero hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. “Nothing.”
At gaya ng dati ay naaapektuhan si Selena sa kalungkutan na nakikita sa binata. Naalala niya ang
iniregalo nito sa kanyang painting noong twenty-fifth birthday niya. Kinuha niya iyon sa townhouse niya
at ipinalipat sa kwarto niya sa mansyon tutal ay iginigiit ng ama na doon na siya tumira. Ta-tatlo na lang
daw sila ay bubukod pa siya. She loved that painting. Kahit na ang sarili ang nakaguhit roon,
pakiramdam niya minsan ay si Dean ang siyang nakikita niya sa tuwing tumitingin siya roon.
Naupo si Selena sa tabi ni Dean. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili lang silang tahimik na para bang
kuntento na sila na malapit sila sa isa’t isa. Wala nang iba pang salitang kailangan. Pero mayamaya ay
si Dean rin ang naunang bumasag sa katahimikan.
“Kumusta ka na? Masaya ka ba?” Marahang tanong ng binata.
“Masaya naman.” Paano ba ipapaliwanag ni Selena kay Dean iyong parang parating kulang na
pakiramdam niya? Isang uri ng kakulangan na naglalaho lang sa tuwing kasama niya ito? Paano niya
ba iyon sasabihin sa paraang mauunawaan nito kung kahit siya ay hirap na hirap na ring maunawaan
ang sarili?
“Ikaw, Dean, kumusta ka na?”
“Trying to survive each day.” Nilingon siya ni Dean. “Mahal mo ba si Adam, Selena?”
Nagulat siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinanong siya ni Dean ng tungkol sa bagay na
iyon. Ganoon pa man ay ngumiti siya. “Mahal ko siya.” Iyon ang alam ko. “Mahal ko siya.” Ulit niya sa
mas mariing boses para kumbinsihin ang sarili. “Mahal ko si Adam.”
Natawa si Dean pero walang kasingpait iyon sa pandinig ni Selena. “Hindi ako naniniwala sa sumpa.
Pero mukhang nagalit si Pepe San Diego kaya ngayon heto at pinatutunayan niya sa akin na tama siya
at mali ako.” Tumayo ang binata. Nang mga sandaling iyon ay pumutok na ang liwanag sa buong
kapaligiran. “Kapag lumaki-laki na si Elijah at dumating ang panahon na natutunan niya nang
magmahal, alam mo kung ano ang unang sasabihin ko sa kanya?”
Parang may biglang nagbarang kung ano sa lalamunan ni Selena kahit pa hindi niya gaanong
maunawaan ang mga sinasabi ni Dean. Para siyang nasa loob ng isang bugtong at hindi niya
mahanap-hanap ang sagot. “Ano?”
“Sasabihin ko sa kanya na “Kapag nagmahal tayo at dumating ‘yong panahon na kailangan natin silang
pakawalan, kahit masakit, pakawalan natin sila. ‘Wag natin silang talian. ‘Wag natin silang rendahan.
Dahil kahit sila, masisikipan. Kahit sila, masasaktan. Ibigay natin ‘yong hinihiling nilang paglaya. At sa
dulo ng lahat ng ito, ang pinakamainam nating gawin ay ang umasa na sana… sana isang araw, ‘yong
mga pinakawalan natin ay makaalalang bumalik sa atin. O kung hindi man ay magdasal na sana…
sana isang araw, lumipas ang sakit, ang lahat ng sakit.”
Nanubig ang mga mata ni Selena sa narinig. Hindi maitatanggi ang hapdi sa boses ng binata. “Dean…”
“Ilang buwan na rin ang lumipas. Magli-lima na. Do you still remember the princess that I said I’m in
love with? The one who fell in love with the prince’s subordinate?” Sa halip ay wika ni Dean. “She had
a change of heart, Selena. Na-in love siya uli sa isang prinsipe. At kung sakali man na dumating ang
panahon na makilala mo ang prinsesa na iyon, pakisabi sa kanya na walang anumang galit o sama ng
loob sa kanya ang tagasunod ng prinsipe. He will always, always understand her.
“Siguro may mga bagay lang talaga sa mundo na kahit na anong pakikipaglaban ang gawin mo, hindi
uubra. Pakisabi sa kanya na pinapakawalan ko na siya. Hindi dahil ayoko na o napagod na ako. Lalong
hindi dahil hindi ko na siya mahal. Kundi dahil nangako ako sa kanya na pakakawalan ko lang siya sa
oras na makita kong wala ng pag-asa at hindi niya na ako mahal. At ito na iyon. Ayoko na siyang
patuloy na itali sa akin. Natatakot na akong masakal siya lalo na at mukhang hindi talaga siya ang para
sa akin.” Gumaralgal ang boses ni Dean. “I love her so much. But lately, I can’t help but feel so down.
Loving her gave me strength the same way that it was making me weak right now. Nanghihina na ako
at gusto ko na ring magpahinga.”
“God, Dean.” Napatayo na rin si Selena. “H-how do I make you feel better? Ayokong makita kang
nagkakaganyan.”
“Pwede bang payakap naman?” Ngumiti si Dean. Ibinuka nito ang mga braso. “Payakap… kahit
ngayon lang.”
Wala nang pagda-dalawang isip na lumapit si Selena kay Dean at buong higpit na niyakap ang binata.
Gumanti ito ng yakap kasabay niyon ay narinig niya… ang pagtangis nito. Para siyang dinurog. Para
siyang binasag, sa sobrang sakit na nararamdaman ay hindi niya iyon makuhang ipaliwanag. Ang alam
niya lang ay nasasaktan siya sa kaisipang nasasaktan ang binata.
“Tama na.” Pumiyok ang boses ni Selena. “Tama na, Dean, please.”
“Ano na bang gagawin ko, Selena? Natatakot ako. Nag-aalala ako. I don’t wanna let the princess go.”
“Then don’t.”
“Pero may mahal na siyang iba. Kumapit ako sa nakalipas na mga buwan kasi ang sabi nila, ang puso,
parating makakaalala sa kabila ng lahat. Pero hindi na ako maalala ng puso niya.”
Pumitlag ang puso ni Selena. Bakit ganoon? Bakit iba ang dating sa kanya ng mga salita ng binata?
Ano ba ang talagang gusto nitong iparating? Magsasalita pa sana siya nang mayamaya ay humiwalay
na sa kanya si Dean. Pinakatitigan nito ang kanyang mukha na para bang kinakabisa nito iyon bago
siya nito marahang dinampian ng halik sa noo.
“I truly wish you well, Selena. Be happy, okay?” Halos pabulong na sinabi ni Dean bago ito nagpaalam
na. Sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot iyon palayo. Hindi na siya nakapagsalita.
May nakapang takot sa dibdib si Selena. Bakit kung magsalita si Dean ay para bang hindi na sila muli
pang magkikita? Bakit kung tingnan siya nito ay para bang siya ang prinsesa na tinutukoy nito na ayaw
nitong pakawalan? Natutop niya ang dibdib kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
Sumikat na ang araw. Pero bakit parang lumubog na iyon sa paningin niya? Pakiramdam niya nang
umalis si Dean ay tinangay nito ang lahat ng liwanag sa paligid niya. Ilang minuto pang nanatili si
Selena sa labas ng gate bago siya nagpasyang pumasok na. Pero bago iyon ay nalingunan niya ang
mga magulang sa veranda na parehong nakatitig sa kanya. May luha rin siyang natanaw sa mga mata
ng ina habang hindi niya naman mabasa ang ekspresyon ng ama. May inililihim ba ang mga ito sa
kanya?
GUMUHIT ang ngiti sa mga labi ni Dean kasabay ng pag-iinit ng mga mata niya nang makita ang ama
na nakasandal na sa headboard ng kama nito habang nakabukas ang mga braso sa kanya. Hindi siya
likas na emosyonal. Pero nitong mga nakaraang araw dala ng samu’t saring nararamdaman ay parang
kay daling lumabas ng mga luha niya.
Abala si Dean sa pagpipinta nang tawagan siya ni tito Andrei, ang abogado ng kanyang ama at
pinapupunta siya sa ospital. Ito ang nagbalita sa kanya na pagkalipas ng halos walong taon,
nagkaroon ng himala at nagising ang kanyang ama. Ora-mismo ay iniwan niya ang lahat ng ginagawa.
Ni hindi na siya nakapagpalit pa kaya bakas pa ang pintura sa kanyang mga palad at damit. Gaya ng
dati ay inihabilin niya na muna ang anak kay manang Ester.
May mga security guards na naabutan si Dean sa labas ng kwarto ng ama na pare-parehong yumukod
sa kanya nang makita siya. Pero bago iyon ay nakita niya rin ang nagsisigaw na madrasta niya
kasama si Adam sa labas ng ospital na hinaharangan rin ng mga gwardya kaya hindi nakapasok.
Ipinagtaka niya iyon nang husto dahil siya ay walang kahirap-hirap na nakapasok matapos niyang
kumpirmahin ang pangalan niya.
“Dean… anak.” Namamaos pang sinabi ng ama. “Come here.”
Wala nang sali-salita pa. Para siyang bumalik sa pagkabata na nananakbong lumapit sa kanyang ama,
nasasabik na maramdaman ang yakap nito, ang tatag nito. Sa dami ng pinagdaraanan niya,
kailangang-kailangan niya ng yakap na iyon. Mahigpit niyang niyakap ang ama. Gumanti ito ng mas
mahigpit ring yakap habang tinatapik-tapik ang kanyang likod.
“Dad, I’m so sorry.” There. Sa tuwing binibisita ni Dean ang ama ay parati niyang sinasabi iyon rito.
Hindi niya alam na darating pa ang pagkakataon na magagawa niyang personal na humingi ng tawad
rito, na magagawa pa nitong marinig iyon. Kahit paano ay nagluwag ang kanyang kalooban. “I’m so
sorry for putting you into that state for the past years.” Gumaralgal ang boses niya. “Hindi na ako aalis,
dad. Hindi na ulit. Pangako.”
“Sshh. I wanted to let you go that time, son. Gusto na kitang pakawalan noon kasi alam ko na
nasasaktan ka na rin masyado. I thought if setting you free was the only way you can stop hurting,
kahit mahirap, kakayanin ko. But then something happened that day.” Bahagyang humiwalay ang
kanyang ama sa kanya. Pinakatitigan siya nito. Napuno ng luha ang mga mata nito. “Bago ka umalis,
parati na kaming nagtatalo ni Leonna. Parati ko siyang nahuhuling kausap si Harry, ang boyfriend niya
bago kami ipinagkasundo sa isa’t isa ng mga magulang namin. Pero inayawan iyon ng mga magulang
niya dahil simple lang ang pamilyang pinagmulan ni Harry.
“Noong minsang maaga akong umuwi sa mansyon, naabutan ko sila ni Harry na nagtatalo tungkol kay
Adam. Harry was insisting that Adam recognize him. Nag-iba na kaagad ang kutob ko. Kaya palihim
kong ipina-DNA test si Adam.” Nagtagis ang mga bagang ng ama. “And the day you were about to
leave was the exact same day I discovered that Adam isn’t my son. Iyon ang dahilan kaya kita
sinundan nang araw na iyon, kaya kita hinabol. Because I want my real son to stay and be the one to
be with me. But the accident happened.
“Wala kang kasalanan doon, anak. I was just… distracted while driving at that time. Leonna’s betrayal
was just too much to bear. Lalo na at inakala kong akin talaga si Adam. Bukod pa roon ay napamahal
na rin sa akin si Leonna. Kaya sa kabila ng pagna-nag niya, I continued to hold on. But believe me,
son, your mother was the very first woman I loved. Maling panahon nga lang siguro. Pero wala na
akong naramdaman na katulad ng pagmamahal ko para sa mama mo.”
Muling napaluha ang ama. “I didn’t know that Leonna send her away. Ang akala ko ay kusa siyang
umalis nang alukin siya ng pera ni Leonna pati ng pamilya ko at tinanggap niya iyon. I was so
brokenhearted when I heard that to think that I was planning to process my annulment with Leonna. At
iyon ang matinding pagkakamali ko. Dapat pala, itinuloy ko na lang ‘yong annulment. Dapat pala hindi
ako naniwala kay Leonna at sa pamilya kong kinasabwat niya pa. I’m so sorry, Dean.”
Napamaang si Dean. Mayamaya ay naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Napuno ng pagsisisi at
galit ang puso niya. Sana pala ay hindi siya umalis noon. Sana ay naghintay siya ng kahit ilang araw
pa. Sana ay hindi naaksidente ang kanyang ama. Sana ay noon pa nito nakompronta si Leonna. Sana
nalaman iyon ng mga Avila. Disinsana ay walang humarang sa nabuong pagmamahalan nila ni
Selena.
Sana ay naging malaya sila ng asawa. Sana ay hindi nawala si Shera sa kanya. Sana ay hindi
naaksidente si Selena at nagkaroon ng amnesia. Sana ay masaya siya ngayon.
Pero hindi. Mananatiling hanggang sana na lang ang mga iyon. Dahil mas sakim pa pala kaysa sa
inaakala ni Dean si Leonna. Napakaraming taon ang inagaw nito sa kanya. Inagawan siya nito ng
titulo, ng karapatan at ng lahat-lahat sa kanya.
“Pero ngayong nagising na ako ay itatama ko na ang lahat, anak. Ipapa-annul ko na ang kasal namin
ni Leonna at sa oras na hindi siya pumayag, masakit man ay wala akong magagawa kundi ang i-
blackmail siya. I will have to tell the public about her. I will have to tell them that Adam wasn’t my son.
Iyon ang dahilan kaya isa sa mga ipinatawag ko ay ang tito Andrei mo. Si Leonna at si Adam…”
Napailing ang ama. “Hindi ko na muna sila kayang makita sa ngayon. Alam kong inosente si Adam sa
nangyari. Ako ang inaakala niyang ama. But I just… I just couldn’t look at him without thinking how
unfair I have been to you, to my real son. I’m really so sorry, anak.”
Nahinto sa tangka sanang pagsasalita si Dean nang mayroon silang marinig na kumalabog. Pagharap
niya sa pinto ay nakita niya roon si Zandro, ang ama ni Selena, pabagsak itong nakaupo sa marmol na
sahig. Ni hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa kwarto. Masyado siyang pinangunahan ng
emosyon sa mga ipinagtapat ng ama at base sa anyo ni Zandro ay nasisiguro niya na narinig rin nito
ang mga sinabi ng kanyang ama.
Nilapitan ni Dean si Zandro at inalalayang makatayo. Pero hindi ito tumayo. Sa halip, sa pagkabigla
niya ay lumuhod ang matandang lalaki sa harap niya at mahigpit na kumapit sa suot niyang pantalon.
Yumuko ito na para bang natalo sa isang napakahalagang laban.
“Patawarin mo ako, Dean. Diyos ko, patawarin mo ako.” Nanginginig ang boses na sinabi ng
matandang lalaki. “Patawarin nyo akong lahat.”
Bumuka ang bibig ni Dean pero walang anumang salita na lumabas sa kanyang mga labi. Mayamaya
lang ay narinig niya ang paghagulgol ng matanda. Diniinan niya ng mga daliri ang gilid ng kanyang
mga mata para pigilan ang muling pagluha. Inalis niya ang mga kamay ni Zandro sa kanyang pantalon
kasabay ng nanghihinang pag-upo rin sa tabi nito.
Noong unang beses na matuklasan ni Dean ang tungkol sa kanyang ama ay tuwang-tuwa siya. Sa
wakas ay magkakaroon na siya ng ama. Nawalan man siya ng ina ay mayroon pa rin siyang matitirang
malapit na kaanak. Noong makarating siya sa Maynila ay hinangad niyang kilalanin rin. Pero hindi iyon
ibinigay sa kanya ng tadhana. Kaya sa nakalipas na mga taon ay isa na lang ang hinangad niya. Ang
makalaya mula sa lahat ng mga nararanasan.
Pero isang araw ay minahal rin si Dean ni Selena. Mas lalong naging komplikado ang lahat. Nagkaroon
siya ng isang pangarap. Hinangad niyang kilalanin rin… bilang Trevino para bumagay siya sa kanyang
prinsesa. At heto na iyon. Kinikilala na siya ng hari, ng mismong ama ng prinsesa. Pero wala na siyang
makapa katiting mang saya sa puso niya. Dahil malupit ang mundo. Bago niya nakuha ang
pinakaaasam ay marami na munang nawala sa kanya.
At ngayon… matapos ng mga nangyari, aanhin niya pa ang pagkilala sa kanya? Aanhin niya pa ang
titulo? He was no longer a plain subordinate. He was now a prince. But what would he do with the
crown without his princess?
“Anong ibig sabihin nito?” Anang naguguluhang ama.
“You… were the most terrible man I have ever met, Mr. Avila.” Sa halip ay sinabi ni Dean. “Napakarami
ninyong ipinagkait sa amin ni Selena. And for the past months, I hated you so much. Kayo ang sinisi ko
sa nangyari kay Selena. Kayo rin ang sinisi ko sa pagkamatay ng anak ko. Kapag nasasaktan ako sa
tuwing tinitingnan ko ang asawa ko at hindi ko mahanap sa mga mata niya ‘yong pamilyar na emosyon
na kadalasan ay kumakalma sa loob ko, sinisisi ko kayo.
“Kapag nasasaktan ako sa tuwing kinakausap ako ni Selena, sa tuwing tinatawag niya ang pangalan
ko at ramdam na ramdam ko ang mga pagbabago, sinisisi ko kayo. Nang ilibing ang anak ko, sinisi ko
kayo. Alam nyo ba kung gaano kahirap para sa isang ama ang ihatid sa huling hantungan ang kanyang
anak? Inihatid ko siya na wala ang asawa ko sa tabi ko, na kalong ko ang umiiyak pa na si Elijah. My
son was even sick then. Pero hindi mo alam ang lahat ng iyon. Kasi wala ka naman doon nang
mangyari iyon.” Mariing naipikit ni Dean ang mga mata sa naalala.
“None of those things would have happened if only you let us be happy. But until the end, money and
wealth were all the things that you still cared about. Kung hindi nyo ba nalaman kung sino ako,
magkakaganyan kayo ngayon?”
Gumalaw ang mga balikat ng matandang lalaki sa pagtangis.
Naipilig ni Dean ang ulo. “Siguro kapag dumating ‘yong araw na nawala na ang lahat ng sakit, ako na
mismo ang sasadya sa inyo, Mr. Avila para sabihin sa inyong pinapatawad ko na kayo. Although I
doubt… if the pain will ever subside.”