Chapter 6 Letter And A Petal
My Valentines was just like any ordinary day except me having a letter on hand and a petal of a flower. Madalas, wala naman akong natatanggap na mga regalo na katulad nito o kung regalo ba ang tawag dito. Kaya ganoon na lang kabago ito sa akin that I started to think what's so admirable about me.
Nakaupo ako sa bench facing the field. The noises were distant dahil malayo ako sa mga nag-iingayang speakers na nagpapatugtog pa rin ng mga love songs kahit magdidilim na at sa mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi tumili at kung ano pang ingay.
Matapos akong kausapin ni Nathan, hindi ko na siya nakita pa sa schoolgrounds. Na medyo nakakadismaya. Siguro ay may naka date na itong babae. The thought of it makes me jealous. I opened the letter as a sigh. "Tell me why those eyes shed tears invisibly
I would love to wipe them off your cheeks
If I was just an inch with you
I'd throw my arms around you"
"Yiiiieeeeeeeee. Nakakakiliiiiiiiig. Sabihin mo, sino ang nag-abot sayo ng loveletter na 'yan ha? Ikaw ha? Kaya pala gustong-gusto mo kong itaboy kasi may iba ka palang plano ngayon ah. Sabihin mo na. Uuuuy!" Nagulat ako sa biglaang pagtili ni Abby galing sa likuran ko. Jusko. Papatayin yata ako nito sa gulat.
Sinundot-sundot niya pa ako sa tagiliran kaya hindi ko tuloy maiwasang mairita.
Excited na excited ito at halos pagpipilipitin ang hawak nitong mga bulaklak. Wala na. May nanalo na sa trono ng pagiging hopeless romantic. Napailing-iling na lamang ako sa inakto nito. Sanay na kasi akong ganito siya ka excited sa mga bagay na may kinalaman sa love na iyan.
"Ang tagal mo. Tara na nga." Reklamo ko sa kanya.
Tumayo na ako at nagsimula na sanang maglakad nang hinila niya ako sa kamay at muli akong napaupo sa bench.
Ganoon na lang ang sakit ng pwet ko dahil sa pagkakabagsak ko sa bakal na upuan. Napasinghap naman si Abby at mukhang siya pa ata ang nakaramdam ng sakit keysa sa akin. Ang babaeng ito talaga!
"Sorryyy. Ikaw naman kasi, nagmamadali ka masyado e wala ka namang aasekasuhin sa bahay." Nilingon ko siya na siya namang pagtapik nito sa kanyang bibig at naupo ng tuwid.
Napabuntong hininga na lamang ako. Totoo naman e. Ganoon naman lagi. Uuwi akong walang sumasalubong sakin. Walang kakamusta kung okay ba ang araw ko. Walang nakahaing pagkain at walang magulang na uupo at kakain ng magkasabay sa iisang mesa.
Nakita ko na nag-aalangan si Abby na ituloy ang sinasabi niya.
"Ano ba 'yun?" tanong ko dito.
Ngumiti ito ng pahilaw at nagpeace sign sa akin.
Tinanguan ko lang ito at ibinalik ang aking paningin sa mga estudyanteng nagkakasiyahan sa field. Ayoko na namang magdrama pa.
"Sorry na, Sol. Ito kasing bibig ko e minsan walang preno. Hehe. Tara na nga, mamaya ano pa masabi ko na naman masapak mo pa ako e." Napabuntong-hininga ako at kusang umikot ang mata ko.
"On the other hand, maiba nga tayo ng usapan. Sino nga ba ang nagbigay ng letter na yan sayo at nagsearch pa yata ng love quotes sa google? At may papetal pa ang mokong oh! Pero infairness ha, nakakakilig yung letter niya!" I mentally rolled my eyes for the nth time. Obvious naman. Kahit ano naman para sa kanya ay nakakakakilig.
Nagtititili na naman ito at saka nagtatatalon. Minsan worried na din ako sa babaeng ito e. Bigla-bigla na lang magtatatalon.
Napaisip naman ako sa itinanong ni Abby. Hindi nga ako yung tipong nakakatanggap ng mga flowers or even love letters. I should be happy. Pero hindi na nga siguro ako makakaramdam nun. I don't even know what real happiness is. I took the letter out of my pocket. Ang ganda ng penmanship ng kung sino mang sumulat nito. The paper he used was a special kind of paper with a scent. Kulay pastel green. My favorite color. What a coincidence.
I smelled the scent of the paper. It was a soft scent paper. Parang amoy ng isang pabango. Napabalik ako sa reyalidad nang tumikhim ang katabi ko.
"Mabango ba? Enjoy na enjoy ka ah. Pero friend, I'm happy for you."
Itong reaksyon ni Abby akala mo naman ikakasal na ako. Nagtaas-baba ang kilay nito na animo'y may nalalaman na hindi ko alam. Inikutan ko lang ito ng mata.
"Tigilan mo nga ako sa mga hirit mo, Abby. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito
May kung sino lang na nag-abot. Nung tinanong ko kung sino e tumakbo naman agad. At saka wala namang pangalan na nakasulat dito. At isa pa, ayoko maniwala sa mga ganyang klaseng hirit. Malay mo naman trip lang ng mga booth dito na mamigay ng mga love quotes na ito sa mga estudyante dito."
As far as I can, ayaw kong mag-assume dahil sa huli ako lang din naman ang masasaktan dahil sa mga expectations ko na di naman pala mangyayari.
"Oh baka naman... si Nathan ang nagbigay niyan sayo? Yieeeeeeee, friend! Nagkakatotoo na ang nakasulat sa mga bituin."
Iwinasiwas pa nito ang dalawang kamay na parang may nakikitang kung ano sa langit.
Umiling-iling na lang ako. Pinapaasa talaga ako nito ng babaeng ito. Ibang klase. Siya pa lang ang babaeng nakilala ko na kahit ilang beses nang pinaasa o umasa sa wala, hindi nadadala. Iba ang immunity system nito pagdating sa pag-ibig e. Ano kayang gamot tinitira nito?
"Speaking of the guy of your dream, nakita ko kayong nagdedate kanina ha! Don't me! Kahit wala ako sa tabi mo alam ko ang mga nangyayari."
Iba talaga kapag tsismosa ang friend.
Nakita kong may binunot ito na kung ano sa sling purse niya. Sinilip ko kung ano ang laman at bahgyang natawa nang makita kung ano nga ang laman non.
"Magtatayo ka ba ng candy store?"
Yes. Her bag were full of candies and chocolates. Kulang na lang ay mag tayo na ito ng tindahan. Tinaasan lang ako ng kilay babae habang ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad nang nakangisi.
Hinabol niya ako at inabot naman niya ang tatlong piraso ng flat tops.
"Oh ayan. Tatlo para I love you. Para naman hindi ka puro senti diyan. Palibhasa single. Kaya ako napagbubuntungan. Ikaw kasi e."
Nakanguso naman ito ngayon habang tinatanggalan ng plastic wrapper ang tsokolate.
"Oh, bakit ako nasali?" Tanong ko rito ng puno ang bibig ng tatlong pirasong tsokolate na bigay niya sakin kanikanina lang.
Hindi masyadong matamis kaya pinagkasya ko na lahat sa bibig ko. Ayoko mabitin.
"Ayaw mo kasi akong samahan e. Andami ko ngang nakadate kanina, wala namang sense of humor kaya iniwan ko na lang. Dala ng pag-iisa, pinatulan ko yung mga stall na may games. Ginalingan ko nga e kaya ako nakaipon ako ng marami! At saka tignan mo nga, ikaw nga itong binigyan, ang dami mo pang say! Partida ni hindi ka pa nga nakapagpasalamat!"
Sinamaan ako ng tingin ni Abby habang ako ay tatawa-tawa na lang.
Tignan mo 'tong babaeng to andami naman palang ka-date e, nagdadrama. Ano na lang kaya ako?
"Ang tanda-tanda mo na kasi pinapatulan mo pa talaga 'yung mga ganyang bagay para tsokolate."
Babatukan na sana niya ako nang magring ang cellphone niya. Hindi pa muna niya ito sinagot sa halip humirit pa muna sakin.
"FYI ha, kung hindi ko 'yan pinatulan wala ka sanang nginunguyang tsokolate ngayon. Ungrateful na babaeng ito. Hmp!" Hindi na ako nag-abalang kulitin pa siya dahil alam kong mas marami lang itong isesermon sa akin. Sinagot niya ang tawag habang ngumunguya pa ng isa pang tsokolate. Grabe. Tignan mo naman itong babaeng ito. Hindi talaga kayang kumain. Kawawa ng ngipin at blood sugar level.
Papalapit na kami sa Gate 2 ng university kung saan dumadaan ang mga private vehicle ng mga estudyante at faculty dito. Niyaya ako ni Abby na magkape kaya sumama na rin lang ako. Wala din namang gagawin sa bahay kaya sasama na lang ako. Tsaka nag-aalala rin ako sa mga nangyayari. Mas mabuti na lang din na may kasa-kasama ako oras na mangyari 'yung teleportation sakin.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Abby is right when she told me I need company. Lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Mahirap na.All rights © NôvelDrama.Org.
"Andito na si Leo. Let's go."
Bilib din ako sa kaibigan ko e. Kahit na palubog na ang araw, masiglang-masigla pa rin. Hindi yata nauubusan ng energy to e.
"Saan tayo?"
Tanaw na namin sa Leo na nakaantay sa pintuan ng kotse. Winawagaywayan siya ng kamay ni Abby ngunit tango lang ang isinukli nito sa kanya. Nakita ko kung paano nagkibit-balikat itong kasama ko. "Suplado, ano?" Binulungan ako ni Abby tsaka nauna sakin at tinungo ang pwesto ni Leo sa tabi ng kanilang sasakyan.
Nakita kong may sinabi ito kay Leo na ikinatango ng lalaki. Pinagbuksan nito ng pintuan si Abby. Nang malapit na ako ay nagbigay-galang din ito sa akin. Niyuko nito ng bahagya ang kanyang ulo kaya ganoon na lang ang awkward na nararamdaman ko
Pumasok na rin ako sa loob ng kotse dahil naiilang ako at hindi ko alam ang gagawin. Sumunod na pumasok si Leo sa drivers' seat at narinig ko ang pagsimuka nito sa makina.
Kinalabit ko si Abby na busy sa kanyang phone. Curious lang ako kung saan kami pupunta. Malay mo, daan patungong ambush pala ito.
Nilingon niya naman ako at ngumiti. Minsan creepy din itong babaeng to e.
"Busy mo ah. San tayo?" Naggesture ito ng painom kaya nagets ko agad ang gusto niyong sabihin kahit na nag-aalangan akong bigkasin ang salita.
"Bar?"
Tinakpan naman agad ni Abby ang aking bibig at saka tumingin sa driver nito. Nakita kong sinulyapan kami ni Leo mula sa rearview mirror. Ngumiti ng hilaw si Abby kay Leo ngunit ibinalik niya lang muli ang atensyon niya sa pagdadrive. "Ang ingay mo ah! Batukan kita dyan! Mamaya sumbungin pa ako ni Leo, chismoso pa naman yan. Tsaka di tayo magwawalwal. Alam mong patay ako kina Daddy pag nalaman nila yun. Sa Coffee Shop ko tayo."
Inikutan niya ulit ako ng mata pero tinawanan ko lang siya. Nakakatuwa kaya siyang asarin lalo na kapag nandyan si Leo.
Nakita kong sinamaan ni Abby ng tingin si Leo sa rearview mirror na naging rason ng pagdikit ng kilay ng lalaki. Nakahanap rin ng katapat itong si Abby. Nagkibitbalikat na lang ako at kukunin sana ang phone ko nang makita ko ang petal na inabot sakin kanina.
Kinuha ko ito at pinagmasdan. I knew it from the first time I saw it, it was a petal of my favorite flower.
"Tulips?"
Tumango lang ako sa itinanong ni Abby. She know pretty well, too.
"Sino kaya secret admirer mo, ano? He knows your favorite."
Yes. He knows.
"Coincidence?" I raised a question while looking at the petal. I was filled with high hopes contradicting the word I've spoken.
"I don't believe in coincidence, Sol. And besides, I can see that you're hopeful."
Abby can read me too well and that's quite embarrassing kahit pa sabihing kaibigan ko siya. Kaya ito rin ang raso kung bakit hindi ako magaling magsinungaling.
"Look. Don't stress yourself too much from this. Whoever he is, he will reveal himself to you. Let's just appreciate how he exerts an effort to make you happy. I know that someone saw something from you that made him do this."
It moved me. Hindi lang sa sinabi ni Abby kundi ang malaman na may nagaadmire din pala sa personality na mayroon ako.
Sa totoo lang, I have never felt this feeling before. Sanay akong si Abby ang nakakakita ng halaga ko. She comforts me and make me feel I'm valued. Plus this. I'm just too fluttered at the moment.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
I fell silent for the rest of the ride habang abala si Abby sa pangungulit niya kay Leo. Tinatanong kasi niyo kung may ka-date ba ang lalaki at kung sino iyon. Mukhang wa namang balak si Leo na sagutin ang mga tanong nito ngunit hindi tumitigil si Abby sa pangungulit sa kanya.
Sometimes I wonder if she do that to only tease and irritate Leo or is it because she likes to see how he reacts at her and have a conversation with him or both. Nonetheless, I ship them.
Dumating kami sa Coffee Shop past 6pm. Blugre' Coffee. Isa sa mga madalas puntahan ng mga gustong makakuha ng perfect shot for an IG post. Bukod kasi sa ambiance ang dito, hindi din masyadong masakit sa mata ang interior design at paintings. May pagkaminimal kasi itong si Abby at ganoon din ako kaya ganito ang naging kalabasan. Our personality matches the interior.
Bukod doon, dahil Valentines Day ay maraming nakasabit ng heart shaped banners at mga rosas na libreng ipinamimigay sa mga babaeng costumers. Kaya kapag single ka, okay lang. At least may bulaklak kahit hindi galing sa boyfriend dahil wala ka naman non.
Transparent ang mirror ng coffee shop na ito dahilan para makita ko ang nagsisidaanang mga sasakyan sa labas pati na rin ang mga taong nagsisidagsaan sa malapit na fastfood chain dito.
Umupo kami sa bahagi na kung saan kita ang view sa labas ang lumulubog na sikat ng araw. Punong-puno na rin ng naglalabang ilaw ng streetlights at headlight ng mga sasakyan ang kalye na nagsisilbing liwanag sa gabi.
I took my seat at nilapag ang backpack ko sa bakanteng upuan na katabi ko while Abby made her way para um-order ng pastries at coffee.
Leo was beside her. Leo was way too tall than Abby. Siguro mga nasa 6'2 siya at hanggang balikat niya lang si Abby. Broad shoulders, tisoy, at sa anggulo mula dito kita ang mahahaba nitong pilikmata. His brows were a little bit thick and black na bumagay sa clean cut nitong jet-black hair. His roman nose, lips that are wet red and his jaw made it his best asset.
Abby slays too kaya nga bagay na bagay sila. She has natural wavy hazelnut brown hair na halos takpan na ang buong likod niya. She's not the type na magsusuot ng dress. She'd rather wear a shirt, jeans and sneakers na bumagay naman sa hubog ng katawan niya. Abby is sexy, hindi niya lang ipinalalandakan sa iba. She doesn't wear too much make-up. Tint lang okay na. Sabagay may kaputian din itong lahi ni Abby and she would always believe in natural beauty. Just when I am done checking their visuals, I saw Abby making her way to our table dala-dala ang 1 brewed coffee, a large size bubble tea, isang slice ng buko pie and a platter of cookies. However, Leo made his way out the coffee shop. "Pinasabay mo na lang sana sa atin 'yung loverboy mo."
Abby took her seat without glancing at me. Kumuha ito ng cookie sa platter at isinawsaw sa coffee niya saka kinain. A smile formed on my face. Paborito niya talagang isawsaw ang cookie sa kape. One thing that is admirable about her, hindi siya maarte.
"He said he'd wait in the car. Masyadong pakipot kaya hayaan mo na. Tsk."
I took a sip from my coffee saka kumagat ng buko pie. Ang sarap talaga nitong ipares. We have different kind of weirdness. Nagkakatalo lang dahil mas weird siya kaysa sa akin.
"Baka inaway mo na naman kasi."
Hindi makapaniwala itong tinuro ang sarili. Makainterrogate kasi kanina ito kay Leo akala mo kumakausap ng kriminal e.
"Bahala siya kung gusto niyang mapag-isa. Nga pala, Mom wants you to visit on weekends. Para naman daw may kasama siya sa pagbebake. You know, Mom. Ayaw ka lang ding pabayaan ng mag-isa sa bahay. Punta ka ha, ipapasundo kita kay Leo. Para naman din may kausap akong iba dun sa bahay."
Tumango agad ako. Matagal-tagal na rin noong huling bisita ko sa kanila. Maganda na rin yun para makalimutan kong mag-isa lang ako sa buhay. Nahihiya lang kasi ako sa pamilya niya. Para kasing naging obligasyon pa ng anak nila at sina Tita mismo na mag-alala para sa akin.
"Kamusta nga pala 'yung kwento mo?"
Sumimsim siya ng kape habang nakatitig sa akin at sumbo ng isang buong cookie.
"Hindi ko pa nabubuksan at hindi ko na 'yun papakialaman pa. Ayoko nang bumalik sa mundong iyon."
Ayoko na talaga. Kahit pa 'yun ang nagsilbing daan para mahanap ko 'yung kasiyahan na pinapangarap ko. Lalo na at alam kong hindi din naman totoo ang mundong iyon. Nabuo lang iyon dahil sa akin. Dahil sa naging selfish ako masyado. "Mabuti na rin siguro iyon. Friend, kung may problema ka man, huwag mo i-solo ha? Andito ako. Andito din sina Mom at Dad."
She smiled at me. The one with comfort. Abby is really one of the gem I have. May paraan talaga siya para pagaanin ang loob ko and for that, I am very thankful and grateful to have a friend like her.
I smile plastered on my face to see how much grateful I am because of her.
"Siya nga pala, kamusta na nga pala 'yung parents mo?"
Bigla na lang bumigat ang nararamdaman ko.
I sighed and turned my gaze to the busy road.