Chapter 2
Chapter 2
Nabigla si Clarice pero mabilis ding nakabawi. Nang tumayo si Alano ay tumayo na rin siya. Inilapit
niya ang katawan sa binata. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghugot nito ng malalim na hininga.
Tuluyang idinikit niya ang katawan kay Alano. She felt him tensed as she whispered in his ear. “Never
mind.”
Tinalikuran na niya ang binata at nagsimulang maglakad palayo. Matagumpay na napangiti siya. Alam
niyang nakapagsimula na siya sa kanilang munting laro. Kung saan-saan na siya napadpad sa
nakalipas na mga taon na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makakilala ng iba’t ibang uri
ng tao. Sa ilang taon na ni Clarice sa mundo ng pagmomodelo ay nakabisa na niya ang mga paraan
ng mga lalaki. Ang mga titig, ang mga salita, at higit sa lahat, ang kakaibang reaksiyon ng katawan ni
Alano lalo na ang kakaibang naramdaman niya sa bahagi ng kanyang puson nang ilapit sa binata ang
sarili ay malinaw na indikasyong... gusto siya nito.
“Wait.”
Napahinto si Clarice sa paglalakad nang may matatag na kamay na pumigil sa braso niya. Nangingiti
pa ring humarap siya kay Alano. Seryoso na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Yes?”
“Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I am Alano McClennan. You are the first woman who ever
dared to walk out on me and I feel really vengeful,” anang binata bago siya kinuyumos ng halik sa
kanyang mga labi.
Natulala si Clarice.
HINDI huminto sa pag-inog ang mundo tulad ng mga nabasa minsan ni Clarice sa mga romantic
novels na ginagawa niyang pampaantok noon. But she knew that the moment Alano claimed her lips,
the world will never be the same again. She also knew she will never look at Alano the same way
again.
Nahalikan na rin si Clarice minsan ni Julian sa mga labi noon mismong araw na sinubukan siyang
pigilan ng binata sa pagbabalik sa Pilipinas para isakatuparan ang plano nila ng mga kaibigan. Pero
hindi ganoon katindi ang naramdaman niya. Nanatili siyang mulat at nakatitig lang sa pangahas na
mukha ni Alano na para bang nagpaparusa sa mga labi niya nang mga sandaling iyon. She was only
too glad his eyes were closed.
Ang isang kamay ni Alano ay humapit sa kanyang baywang habang ang isa naman ay naglakbay
pataas sa kanyang likod. Her bareback gown made him touch her skin directly. Mariin siyang napapikit
sa bawat paghaplos nito na nagdudulot ng laksa-laksang kuryente sa kanyang buong katawan. He was
an expert at this and that made him dangerous. Alano was kissing her in a rather harsh way and yet,
she feels intoxicated. Pakiramdam ni Clarice ay nalalasing siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Content rights belong to NôvelDrama.Org.
Ilang sandali pa ay naging mapaglaro ang mga halik ng binata. Tinukso-tukso nito ang mga labi niya
hanggang sa tuluyan itong huminto.
Ilang saglit pa ay nasorpresa si Clarice nang bigla siyang ikulong ni Alano sa mga braso nito. Narinig
niya ang sunod-sunod na mararahas na paghinga ng binata. “Thirty-two years, Clarice. I’ve been living
for thirty-two years and I have never for one moment, lost control,” bulong nito. “Hanggang sa dumating
ka. Every single inch of my body is dying to touch you, to kiss you, and to make love to you right here,
right now.” Pinaulanan nito ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. “Damn, you
captured me back in Denver.”
Napaawang ang bibig ni Clarice. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Bahagyang inilayo ni Alano ang katawan kay Clarice. “I will never let you go anymore,” sa halip ay
sagot nito. “Come, ihahatid na kita para alam ko kung saan kita uli makikita.”
Sa wakas ay natauhan na si Clarice. Bumalik ang mga mata niya sa mansion. Kahit pa naghatid ng
sakit ng ulo si Russel ay utang niya pa rin sa lalaki ang unang pagkikita nila ni Alano nang walang
kahirap-hirap sa parte niya. At bilang kabayaran ay ang huli rin dapat ang maghatid sa kanya tulad ng
inaasahan nito.
“What about Russel?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Alano na para bang nagulat sa dahilan ng pag-aalinlangan
niya. “Boyfriend mo ba ang lalaking ‘yon?”
“Hindi.”
“Gusto mo ba siya?”
Umiling si Clarice. “Hindi rin.”
“That’s good.” Muling gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi ng binata. “Wala palang problema
kung gano’n. Ang isang tao, Clarice, hindi dapat nakukuntento sa isang putahe lang kung ang dami
namang nakahain na pwedeng tikman.”
“Hindi ko ugaling sumubok. It’s risky. May mga putahe kasing sa isang tingin pa lang, alam mo nang
hindi maganda sa kalusugan.” Sa pagkakataong iyon ay tinapatan ni Clarice ang ngiti ni Alano. “So I
stick with the tried and tested. Iyon bang mga pagkaing paborito ko. Tasty, healthy, and definitely good
for me.”
“Then I urge you to try me.” Bumakas ang paghamon sa boses ni Alano. “I can assure you that I’m
good for you. Baka nga isa pa ako sa maging paborito mo sa mga susunod na araw. Give me a
chance, Clarice.”
“I told you I want your world.”
Sandaling natahimik si Alano bago ito muling ngumiti. “Then you will have it, by all means, woman.
Saka na ako maniningil ng kapalit.” Inilahad nito ang isang palad kay Clarice. “Come with me now. I will
take you home.”
Nakangiti ring inabot niya ang palad rito. Habang naglalakad sila papunta sa parking lot ay dinukot ng
binata ang cell phone sa bulsa ng slacks nito. “Yes, it’s me, Alejandro. `Wag mo nang hintayin si
Clarice. She’s coming with me. She’s mine now.”
Manghang tumigil sa paglalakad si Clarice at napatitig na lang kay Alano na tumigil na rin at direktang
nakatitig sa kanya habang nakikipag-usap pa rin kay Russel. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay
niya.
“What do you mean how? Is it so impossible for her to like someone like me?” Natawa si Alano.
“Maswerte ka at ikaw ang nagdala kay Clarice dito kaya hindi ko na kailangang mangibang-bansa pa.
Otherwise, hindi kita hahayaang kuwestiyunin ako nang ganito. This conversation is over.” Bumaba
ang mga mata ni Alano sa mga labi ni Clarice kasabay ng paglunok nito. “And one more thing,
Alejandro, I’m a little selfish. I don’t want any man near my girl. I hope I made myself clear.”
Alano... Alano... Alano. The researches are right. When it comes to women, you moved... Way too fast.
“Akala ko ba pag-iisipan ko pa lang kung bibigyan kita ng chance?” ani Clarice nang ibulsa na nito ang
cell phone. “Pero nambakod ka na kaagad. At higit sa lahat, sinabi mong tayo na.”
“Para makasiguro akong wala nang sisingit pa... Habang nililigawan kita.”
Clarice breathed sharply. May malaking bahagi sa kanya ang nagdiriwang nang mga sandaling iyon.
Every thing was going faster than she planned. But there was also a part of her at a sudden loss. Dahil
ang plano ay siya dapat ang mambibigla pero sa halip ay siya itong... nabibigla.