Chapter 14
Chapter 14
“YOU NEED to congratulate me, Hailey. After what seemed an eternity, my manuscript was finally
approved.” Marahang wika ni Holly sa puntod ng kakambal matapos niyang magsindi ng mga kandila.
Sa Maynila inilibing si Hailey ayon sa kahilingan nito. Ang orihinal na gusto nito ay katabi ng puntod ni
Athan pero wala ng bakante roon kaya sa ibang lugar ito nakapwesto pero sinuguro nilang sa iisang
sementeryo lang nakalibing ang mga ito. Naupo siya sa bermuda grass.
“Nakakapagsulat na uli ako, Hailey. Kaya ko na uli.” Marami siyang naisulat na manuscripts sa
nakalipas na mga bwan pero kadalasan ay hindi niya natatapos ang mga iyon. Pakiramdam niya ay
sandali siyang nawalan ng kapasidad na makagawa ng happy ending dahil sa magkakasunod na
sinapit. May iilan siyang natapos pero puro for revision naman. Ayon kay Jazeel ay sarado ang puso
niya kaya hindi siya makasulat. At tama ang pinsan. She couldn’t write about conflicts without
remembering what she had gone through.
She couldn’t write about happiness as well, not when her heart was filled with pain. Pero hindi niya rin
naman magawang makapagsulat ng tungkol sa sakit nang hindi naaalala ang estado ng puso niya. At
doon sa puntong iyon siya napapahinto. Ilang ulit niya pang kinailangang i-revised ang manuscript niya Exclusive © content by N(ô)ve/l/Drama.Org.
bago iyon sa wakas inaprubahan ng editor niya sa araw lang na iyon. At hindi na pwede ang ganoong
gawain niya. Pagsusulat ang trabaho niya at masisira iyon dahil sa iniinda niya.
Nagsisikip ang dibdib na hinaplos ni Holly ang puntod ng kakambal. “Sana ang happy at painful
memories, pwedeng paghiwalayin, ‘no? Tamang lalagyan para sa tamang emosyon dapat. Iyong
painful memories, sa isip para matuto, para magtanda. Iyong happy memories, sa puso para hindi
makalimot, para lagi pa ring masaya. ‘Tapos kapag natuto na ‘yong isang tao, kapag nagtanda na siya,
itapon na ‘yong masasakit na alaala. Para ‘yong masasaya na lang ang matitira. Pero hindi gano’n sa
totoong mundo.”
Hanggang ngayon, damang-dama niya pa rin ang konsekwensya ng naging pagkakamali niya sa
pangalawang lalaking minahal. Hindi niya pa rin maibalik sa dati ang paglalakad. Mabagal pa rin
maglakad at mahina ang kanang binti niya. Hindi pa rin siya makatakbo. Pero walang-wala ang
pananakit ng binti niya kumpara sa sakit na araw-araw ay parang pumupunit sa puso niya. Ang
pagkamatay ni Hailey, ang panlalamig ng mga magulang at ang nalamang paghihiganti ni Aleron,
hanggang kailan niya ba iindahin ang mga iyon?
“Holly…”
Walang buhay na natawa siya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Ilang ulit na ba
niyang narinig sa isip ang boses na iyon ni Aleron sa nakalipas na mga bwan? Hindi niya na mabilang.
Ang pagha-hallucinate ay para bang naging normal na gawain na para sa kanya.
“Holly, I’m so sorry-“
“Damn it.” Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya sa frustration na nadarama. “For crying out loud,
leave my mind even for a moment, Aleron! Ang sakit mo na nga sa puso, problema ka pa sa isip.
Utang na loob,” Gumalaw ang mga balikat niya sa pagluha. “Ayoko na. Pagod na pagod na ako.
Maawa ka naman.”
“ALERON? Aleron Williams?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Aleron nang marinig ang naninigurong tanong na iyon ng isang lalaking
kabababa lang mula sa kotse nito. Gaya niya ay sa harap din ng mansyon ng mga Lejarde nito
ipinarada ang sasakyan nito. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng gate roon pero hindi niya magawang
mag-doorbell para ipaalam ang presensiya niya.
Kadarating niya pa lang sa bansa. Nagbihis lang siya sandali bago siya dumeretso papunta sa
townhouse ni Holly, nagbabaka-sakaling naroroon pa rin ito. Pero ayon sa mga napagtanungan niyang
kapit-bahay ay ilang bwan na raw hindi umuuwi roon ang dalaga. Kaya sa mansyon ng mga magulang
ni Holly siya sumunod na tumuloy.
Napakaraming naglalarong tanong sa isip niya pero kung kailan naroroon na siya at may pagkakataon
nang masagot ang mga tanong niya ay saka naman siya inatake ng kaduwagan, saka siya natakot
malaman ang totoo dahil natatakot siyang matuklasan na sa pagkakataong iyon ay siya naman ang
nagkamali.
“Ako nga.” Aniya sa bagong dating pagkaraan ng ilang segundo. “And you are?”
“I’m just someone who happened to love Holly. I’m the one she turned down because of you. Alam ko
ang totoo. At bilang pag-respeto sa katotohanang iyon, hinihiling ko sanang umalis ka na.” Bahagyang
dumiin ang boses ng lalaki. “Leave, Williams, before I lose my control. I’ve never used violence against
anyone. Don’t tempt me now.”
Nakipagsukatan ng tingin si Aleron sa bagong dating, hindi inaalintana ang malinaw na pagbabanta sa
likod ng mga sinabi nito.
“Kung totoong alam mo ang nangyari, dapat ay alam mo rin ang tungkol sa kapatid ko. I thought Holly
was Hailey. Athan left a journal and written there were all the informations about Holly-“
“You should have figured out later on that Holly would never do such thing. Nakilala mo na siya. Dapat
ay alam mong-“
“It was really easy to say, wasn’t it?” Mapait na ngumiti si Aleron. “May kapatid ka ba?” Natigilan ang
lalaki. Tumaas ang sulok ng mga labi ni Aleron. “See? Malinaw na wala kang kapatid. Hindi mo ako
maiintindihan. Athan was the only one I have. And you will never understand what I’m fighting for
because you will never have the feeling of losing the only constant person in your life. Wala akong
magulang, kapatid na lang. At isang araw, nadatnan ko na lang siyang walang buhay.
And what’s worse, I found out he was dumped. Said ang laman ng bank accounts niya at wala rin ang
mga gamit niya sa bahay. But he left a diary.” Mapaklang natawa si Aleron. “Ang galing manggaya ni
Hailey. Iyong mga nakasulat sa diary, ganoong-gano’n ang nakilala kong Holly kaya paano ako mag-
iisip na magkaibang tao sila?” After Aleron read Hailey’s letter, the need to explain his side was
overwhelming him.
“Pero totoong minahal ko si Holly. Everything started to become real when I fell for her. Ang proposal,
totoo ‘yon. Kumapit ako doon sa paniniwala ko na baka nagbago na siya, na baka hindi niya na gawin
sa akin ang ginawa niya kay Athan. It was a major leap. But just when I was about to finally expose
everything about me, I saw her kissing another man the night before our wedding.” Nagtagis ang mga
bagang ni Aleron sa naalala. “Ganoong-ganoon ang nakalagay sa diary ni Athan kung paano
nakipaghiwalay na lang bigla sa kanya ang nakilala niyang Holly. Ngayon sabihin mo sa akin,
pagkatapos niyon, sino ang hindi mag-iisip ng iba?”
Parang natuklaw ng ahas ang mukha ng kaharap. Namutla ito. “I’ve known Holly since she was little.
Sa akin niya unang sinabi na gusto niyang maging writer. Alam ko ang tungkol sa mga gusto niya sa
buhay. And if only circumstances with Hailey didn’t happen, Holly and I could have been together by
now. Dahil ako ang una niyang minahal.” Sa halip ay sagot ng lalaki nang makabawi mula sa
pagkabigla. “Hanggang sa dumating ka. Ang laki ng naging inggit ko sa ’yo dahil ibang klase kung
magmahal si Holly. Noong araw ng kasal nyo kahit tumawag ka na sa kanya, pumunta pa rin siya.
Naghintay pa rin siya sa simbahan.”
Napasinghap si Aleron.
“Naging sentro siya ng usap-usapan. Sa unang pagkakataon, sinuway niya si tito Alfar at tita Marlyn
nang hintayin ka niya sa loob ng simbahan. She kept insisting that you will come because she said you
love her. Nakita ko ang lahat. At the end of the day, we were both martyrs. I showed up at her wedding
though she asked me not to. Pumunta siya sa lugar kung saan ka nagtatrabaho. She was devastated
to know that no Aleron Silva works there. And then she ran. Hindi ko na siya nahabol. She was hit by a
motorcycle that injured her right leg. Ilang araw siyang tulala at hindi makausap.
And when she came back to her senses, she was crushed even more when she found out about
Hailey’s illness. At nang mamatay ang kakambal niya, kasama niyong namatay ang mga ngiti niya.”
Napahugot ng malalim na hininga ang estranghero. “I’m Cedrick, by the way. Ako ang lalaking nakita
mo nang gabing sinasabi mo. I should know. Dahil ako lang naman ang bisita ni Holly nang gabing
iyon. I told her to leave you and take me back instead. When she said no, I forced her. I kissed her out
of desperation.
And now I’m proving to be the one who ruined the love of my life’s wedding. I’m so sorry.” Lumarawan
ang magkakahalong emosyon sa mga mata ng nagpakilalang Cedrick. “Pero sumugal ka na noon,
Williams. Sana, itinuloy-tuloy mo na. Sana sumugal ka uli at lumapit nang makita mo kami, regardless
of your brother’s diary. Isn’t that what love is in the first place? Taking chances over and over again?”
Ilang sandaling natulala si Aleron. Nang makabawi ay sinugod niya si Cedrick at sinuntok na agad rin
namang ginantihan nito. Sa loob ng ilang sandali ay nagpambuno sila na para bang doon nila pareho
inilalabas ang lahat ng naipong emosyon sa mga puso nila. Nang mapagod ay naupo si Aleron sa
sementadong daanan. Nag-init ang mga mata niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya.
“I’m sorry.” Narinig ni Aleron na wika ni Cedrick na naupo na rin hindi kalayuan sa kanya. Nabasag ang
boses nito. “I’m really sorry.”
“I’m sorry, too.” Ani Aleron. “Damn, we’re both stupid.” Mariin niyang naipikit ang mga mata. Hindi niya
lubos akalain na pagkalipas ng anim na bwan ay muli siyang luluha.
“For crying out loud, leave my mind for a while, Aleron! Ang sakit mo na nga sa puso, problema ka pa
sa isip. Utang na loob, ayoko na. Pagod na pagod na ako. Maawa ka naman.”
Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Aleron nang marinig ang boses na iyon ni Holly. Daig niya pa ang
tinarakan ng libong patalim sa dibdib nang makita ang paggalaw ng mga balikat ng dalaga. Wala na
ang bakas ng dati ay punong-puno ng sigla at buhay sa boses nito. Pait at kapaguran na ang pumalit
roon.
Hindi niya na tuluyang nagawa ang makipagkita kay Holly noong nagdaang araw matapos nilang
makapag-usap ni Cedrick, kung pag-uusap nga bang matatawag iyon. Umuwi na muna siya sa sariling
bahay dala ng panliliit sa sarili. Hindi niya alam kung paano haharapin si Holly matapos ng mga
pinagdaanan nito nang dahil sa kanya. He had done enough damage in her life. Dapat ay lumayo na
siya rito pero hindi niya magawa. Hindi niya kaya.
Umaga pa lang ay nasa tapat na siya muli ng mansyon ng pamilya nito at nang makitang lumabas ang
pamilyar na kotse nito ay sinundan niya ito. Kahit noong hindi niya pa nalalaman ang totoo ay ginusto
niya nang balikan ito. Noon niya na-realized na tunay na nakakatakot pala talaga ang pag-ibig. It was
too strong that it wouldn’t listen to reasons. It only listens to the beat of the heart.
“Holly, I’m sorry. I’m sorry I didn’t know. I’m sorry I ran away. I’m sorry because I was too scared to stay
and be like my brother. I’m sorry.” Narinig ni Aleron ang pagsinghap ni Holly bago ito dahan-dahang
humarap sa direksyon niya.
Napahugot siya ng malalim na hininga nang makita ang pagpatak ng mga luha nito. God… what had
he done to Holly? He ruined her, he ruined this wonderful lady. Kahit siya ay nahihirapan rin na
patawarin ang sarili niya.
“Ang balita ko, dito rin nakalibing si Athan. Hailey was able to find the place where he was buried
before she died.” Sa halip ay sagot ni Holly sa basag na boses pagkalipas ng ilang sandaling
pagkabigla nito. “You know what? I wished Athan is still alive. Sana ay nakilala ko siya. He fell for
Hailey who pretended to be me. Then maybe if he met me he would have fallen for me. And I would
have loved him, too. Para kasing ang sarap niyang mahalin base sa mga sinabi nyo ni Hailey. Because
Athan is everything you’re not.”
Ilang segundong naestatwa si Aleron sa kinatatayuan. Walang-wala ang mga suntok ni Cedrick
kumpara sa hagupit ng mga salita ni Holly. Iba’t iba ang naging lalaki ng ina na siyang dahilan ng
pagkasira ng kanyang pamilya. Namatay ang kanyang ama, sumunod ang nag-iisang kapatid niya
pagkalipas ng ilang taon. Umalis siya anim na bwan na ang nakararaan sa Pilipinas dahil ang buong
akala niya ay niloko lang siya ni Holly. And during those moments, Aleron thought he had already
experienced all kinds of pain. Pero nagkamali siya.
Holly’s eyes spoke volumes. Ang sakit, panunumbat at galit sa mga mata ng dalaga ay para bang mga
napakalalakas na bagyo na sabay-sabay humahagupit sa kanya.