Wish List Number Ten: Love Me Again

Chapter 8



Chapter 8

"OH, MY God!" naibulalas ni Chryzelle nang bumulaga ang malaking banner na makikita ang mukha

niya pagtapat niya sa balkonahe ng bahay nila ni Calix. May nakasulat doon na: Chryzelle, take me

back, please. I love you so much!

"Calix, you didn't have to do this," hindi makapaniwalang wika niya sa asawa nang gabing iyon.

Ngumiti lang ito, pagkatapos ay nagpatuloy sila sa paglalakad sa red carpet na sa gate pa lang ay

sumalubong na sa kanya. Naaadornohan iyon ng petals na mula sa iba't ibang kulay ng mga bulakak

habang ang gilid naman ng carpet ay sagana sa scented candles.

Pagkarating nila sa front door ay ang nakangiting anyo ng mga kasambahay ang bumungad kay

Chryzelle. Napailing na lang siya, gulat pa rin sa mga nakikita. Sa gitna ng sala ay may naka-set na

mesa na para sa dalawa. Kaagad na kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang mabangong aroma

mula sa mga pagkaing nakahain. Sa tabi ng mesa ay may lalaking tumutugtog sa grand piano. Iyon din

ang tugtuging narinig niya nang araw na nag-propose ng kasal sa kanya si Calix.

Ipinaghila siya ng asawa ng upuan. Napatitig siya sa mga pagkain. Wala sa mga nakahain doon ang

hindi niya paborito.

"Believe it or not, but I'm the one who cooked. Taga-assist lang si Manang Soledad," may bahid ng

pagmamalaki sa boses na wika ni Calix nang makaupo na rin ito sa tapat niya.

Masiglang natawa si Chryzelle. Calix had never really cooked before. Napahimas siya sa kanyang

tiyan. "Okay lang ba kung sesentensiyahan ko na ang mga ito?"

Gumanti ng ngiti ang asawa. "Sure." Ito pa mismo ang naglagay ng mga pagkain sa kanyang plato.

Ipinagsalin rin siya nito ng alak sa wineglass. Una niyang tinikman ang carbonara. Habang nilalasahan

iyon ay para bang hinahatulan ang itsura ni Calix. Pagkalunok ay natawa siya, sabay nag-thumbs-up Text © by N0ve/lDrama.Org.

sa asawa. "It's good, Cal. No need to worry."

Ilang sandaling parang nagulat naman si Calix bago nangalumbaba sa harap niya. "We should do this

more often, you know. I would love to see you smile and laugh like that. Ano pa ba ang pwede kong

gawin para mapasaya ka nang ganyan?"

"Maramdaman lang kita nang ganito, masaya na ako, Calix. Hindi mo na kailangang mag-effort pa

nang husto. All I want is just to feel your presence." Iginala ni Chryzelle ang paningin sa buong

kabahayan habang patuloy pa rin ang romantikong tugtugin sa paligid. Napadako ang mga mata niya

sa grand staircase ng bahay. Maski iyon ay naadornohan ng pulang carpet at petals.

Napabuntong-hininga si Chryzelle. It might take a while before she could completely get over the

accident that took place on those stairs. Ibinalik niya na ang tingin kay Calix at sinikap na huwag

maapektuhan ng mga naalala. "Thank you. This is beautiful. Pero hindi mo naman kailangang gawin

ito. Marami pa tayong hindi nagagawa sa wish list mo. Five more wishes to go." Mayamaya ay umirap

siya. "Ang daya mo. Nauna na ang pang ten."

Natawa si Calix, pero ilang sandali pa ay nagseryoso na si Chryzelle. "Let's do your wishes ASAP, Cal,

para magamot ka na kaagad. Kailangan mo nang magpa-chemo. You can't be sick for a longer period

of time. Babawi ka pa sa akin-"

Inilapat ni Calix ang dalawang daliri nito sa mga labi ni Chryzelle para pahintuin na siya sa pagsasalita.

"I love you. I love you. I love you."

Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kaba sa tensyon na naulinigan sa boses ni

Calix, pero pilit na binalewala niya iyon. Siguro ay ayaw lang na pag-usapan ng asawa ang kalagayan

nito.

Hindi nagtagal ay inalok na siya ni Calix na sumayaw na pinaunlakan naman niya.

"Ngayon, alam ko na kung bakit maraming nababaliw sa pagmamahal," bigla ay wika ni Calix habang

sumasayaw sila.

Kumunot ang noo ni Chryzelle. "Bakit?"

Sandali muna siyang iniikot ni Calix bago hinapit sa kanyang baywang. Mahigpit na niyakap siya nito,

pagkatapos ay bumulong sa kanyang tainga. "Dahil sa takot na mawala ang mga minamahal nila.

That's why they do crazy things... really, really crazy things."

Naguguluhang tiningala niya si Calix. "Where is this leading to?"

"This is leading to my love for you," anang asawa bago siya hinagkan sa mga labi.

"KAILAN pa naging makalat si Calix?" kunot-noong tanong ni Chryzelle sa sarili habang inililigpit ang

mga nagkalat na damit at papel sa master's bedroom. Noon na lang niya naasikaso iyon dahil noon din

lang siya nagkaroon ng oras. Ang balak niya sana ay ibalik na roon ang kanyang mga damit na hindi

naibalik noong mga nakaraang linggo. Noong gabi kasing magkaayos sila ni Calix ay nagpunta kaagad

sila sa Paris.

Calix used the company's private jet. Iyon ang ginamit nila para tapusin ang ika-anim sa listahan ng

asawa-ang makapamasyal sa Champs-Elysees Gardens. Iyon ang pangarap ni Chryzelle na puntahan

noong nasa kolehiyo pa lang siya. Nakita niya iyon sa isang postcard sa National Book Store. Naakit

siya sa larawan kaya binili niya at idinikit sa pader ng kanyang kwarto. Minsan na niyang nabanggit

iyon kay Calix. She had always dreamed to see the Swiss Valley.

Isang linggo silang nanatili at namasyal sa Paris. Doon muling isinuot ni Calix sa kanya ang wedding

ring nila na sa pagkakataong iyon ay hindi niya na inalis pa. Sa paglipad nila papunta roon ay natupad

din ang ikapito sa listahan ng asawa. His list included that they flew together which happened when

they rode the private jet with just the two of them aside from the pilot.

Sa Paris din nila tinupad ang ikawalo sa listahan ni Calix: ang sabay na panoorin ang pagsikat at

paglubog ng araw. Ang ikasiyam ay ginawa nila noong nagdaang araw. Nagbiyahe sila papunta sa

Notre Dame, a gothic masterpiece located in the Ile de la Cite, a small island in the heart of the city.

She had always dreamed to visit the Church known as the cradle of Paris and the religious center of

the city.

Wala sa sariling napangiti si Chryzelle. The past days had been blissful. If only Calix wasn't sick. Agad

ring naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi.

Isa na lang ang hindi pa natutupad sa listahan ni Calix: ang manood ng concert ng isang kilalang

mang-aawit. Muli, ikinabigla ni Chryzelle ang nabasang iyon sa listahan ng kanyang asawa. Hindi niya

lubos-maisip na iisa pala sila ng paboritong singer. Pero gusto sana niyang bago nila tuparin iyon ay

nakausap niya na ang ama ni Calix na si Arthur Ledesma.

Napahugot si Chryzelle ng malalim na hininga. Kailangan niya nang maipagtapat sa biyenan ang

tungkol sa kalagayan ng bunsong anak nito sa lalong madaling panahon para siya naman ang

makapagpagaan ng nararamdaman ni Calix.

Sa naisip ay nagmamadaling inayos ni Chryzelle ang mga libro at damit ni Calix na nakakalat sa

kwarto. Nagpaalam ang asawa na aalis lang sandali kaya malaya siyang gawin ang lahat ng gustuhin

sa mga oras na iyon. Kung tutuusin, binilinan siya ni Calix na magpahinga muna dahil kadarating lang

nila mula sa ibang bansa.

Mayamaya ay napailing si Chryzelle sa naisip. "Iyong taong 'yon talaga. Siya itong may sakit, pero ako

itong pinagpapahinga."

Inilagay muna niya ang kanyang mga damit sa closet pagkatapos iligpit ang mga gamit ni Calix. Nang

matapos ay hindi pa siya nakontento, pinalitan niya ang mga punda ng unan, pati na ang bed sheet.

Noon pa man ay hindi talaga nila pinagagalaw sa mga kasambahay ang master's bedroom, dahil

sagrado iyon para sa kanilang dalawa. Tanging sila lang ang nag-aasikaso roon.

Nagulat si Chryzelle nang sa paghugot niya ng bed sheet ay may mga nalaglag na papel mula sa ilalim

niyon. Bumagsak ang mga iyon sa carpet. Kunot ang noong dinampot niya isa-isa ang mga papel.

Lahat ng mga papel ay pare-parehong naglalaman ng mga research tungkol sa sakit ni Calix.

Ang huling papel na nalaglag ay aksidenteng pumasok ang kalahating bahagi sa ilalim ng kama kaya

bungad na lang niyon ang nakita niya. Yumuko siya at inabot ang papel, pero napasinghap siya nang

may iba pang mga kapel na nakapa. Salubong ang mga kilay na sumilip na siya roon. Nagulat siya

nang makitang marami pa palang papel sa ilalim. Inabot niya ang mga iyon, pagkatapos ay isa-isang

binasa.

Hindi alam ni Chryzelle kung saan nagmula ang nerbiyos na biglang naramdaman. Katulad ng

naunang papel ay puro research din ang nakalagay doon tungkol sa sakit na leukemia, ang mismong

sakit ni Calix. Nakasaad doon ang mga sintomas at ang nararapat na treatment para sa nasabing sakit.

Ang sumunod na papel na nabasa ni Chryzelle ay mula naman sa blood test ni Calix. Umusbong ang

pagtataka sa kanyang dibdib. Normal ang naging findings sa test, hindi tulad sa ipinakita noon sa

kanya ng asawa. Kaagad na napatingin siya sa doktor na nagsagawa ng examination kay Calix. Ang

kaibigan nitong si Derek pa mismo ang nakapirma roon. Ang petsa ng test result ay nauna nang ilang

araw sa test result na natatandaan niyang nakalagay sa ipinakita noon sa kanya ni Calix. Mayroon din

siyang nabasang physical exam at tulad ng huling nakita ay normal din ang findings doon ni Derek.

Nagsimulang kumabog sa kaba ang kanyang dibdib.

Nagmamadaling tumayo si Chryzelle at lumapit sa tokador. Binuksan niya ang mga drawer. Sa ikatlong

drawer ay natagpuan niya ang hinahanap. Kinuha niya ang mga ipinakita noon ni Calix na test results,

noon mismong araw na ipinagtapat nito sa kanya ang tungkol sa sakit nito. Nanginginig ang mga daliri

na muli niyang binasa at ipinagkompara doon ang mga nakita sa ilalim ng kama ni Calix.

They were the same tests conducted and they almost looked the same, but the results were different.

Sumunod na binasa niya ang pangalan ng doktor na nakasaad roon na nagkumpirmang maysakit nga

si Calix. Hindi si Derek, hindi tulad ng sinabi noon sa kanya ng asawa na ang kaibigang oncologist

mismo ang nagsuri sa katawan nito at nagpahayag na may leukemia ito. Ibang doktor ang nakapirma

doon, pero Saint Luke's pa rin ang nakalagay na ospital doon. Ngayon niya na lang iyon napuna dahil

inatake kaagad siya ng takot at pag-aalala sa sinabi noon ni Calix sa kanya.

Magkaibang-magkaiba ang mga resulta na nakasaad sa mga papeles na mula sa magkaibang doktor.

God, what does this mean? Nanghihinang dinukot niya ang cell phone mula sa bulsa ng suot na

bestida. Binuksan niya ang Google. May binanggit sa kanya si Aiden anim na taon na ang nakararaan

tungkol sa isang medical council Web site. Ilang ulit niya nang nagamit iyon sa pagtanggap ng

magiging empleyado sa kanyang bakeshop.

The Web site had a "find a registered doctor" feature, which allowed users to search and to see

whether someone was a registered medical practitioner. Minsan na kasing nabahala si Aiden sa

pagtanggap ni Chryzelle ng mga empleyado sa kanyang shop. Dapat daw ay pakuhanin niya na muna

ang mga iyon ng police record at medical certificate, at alamin kung totoo ngang doktor ang nag-

examine sa mga empleyado o dinoktor lang ng mga ito ang resulta.

Nanginginig pa rin ang mga daliri ni Chryzelle na tinipa niya ang pangalan ng doktor sa nakasaad sa

ipinakitang test result noon sa kanya ni Calix. But there was no Edmund Guzman that appeared in the

Web site. Palakas nang palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Muli siyang nagpipindot sa kanyang

cell phone. Idinayal niya ang numero ni Derek.

"Chryzelle, hello. I'm in a middle of a very stressful day right now so if this is about Calix again-"

"'Wag kang mag-alala, sandali lang ito..." nanlalambot na sagot ni Chryzelle. "I was wondering if Doctor

Edmund Guzman is in his clinic right now. Doktor din kasi siya sa Saint Luke's at kagaya mo ay

oncologist rin sa branch diyan. I just need to talk to him."

"What? Pero wala akong kilalang Edmund Guzman dito. Iilan lang kaming oncologist dito. I should

know." Malakas na tumikhim si Derek sa kabilang linya. "Beware of people, Chryzelle. Baka sa

kagustuhan mong matulungan si Calix, maloko ka ng ibang tao. 'Wag kang basta magpapaniwala sa

mga nagpapakilalang oncologist."

Nanikip ang dibdib ni Chryzelle. "S-sigurado ka ba talaga?" pagpupumilit niya pa rin. Hindi kayang

tanggapin ng isip niya ang namumuong katotohanan. "Wala ka talagang kilalang gano'n ang

pangalan?"

"Wala. Whoever he is, I assure you, Elle, he's a fake-"

Nagmamadaling pinindot na ni Chryzelle ang End call button nang hindi na makayanan ang mga

naririnig. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Bakit ba palagi na lang siyang nagmumukhang

tanga? Naalala niya ang mga pinaggagawa noong mga nakaraang linggo. Natawa siya sa sarili bago

unti-unting napahagulgol.

"Calix!" lumuluha pa ring naisigaw niya. "Do I have a note on my forehead that says I'm stupid? I'm

gullible? I'm pathetic? Because that's what you make me feel over and over again."

I've tried, Father Sebastian. And this is what I got.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.