Kabanata 12
Kabanata 12
Nagulantang si Madeline. Talagang nablangko ang isip niya.
“Maddie, Maddie.”
Matapos ang ilang sandal, narinig ni Madeline na may tumatawag ng kanyang pangalan.
Nakabalik siya sa kanyang kamalayan nang makita ang pamilyar na mukha nito. Siya ang nag-iisang
best friend nito, si Ava Long.
Tinignan ni Ava si Madeline na talagang maputla; nagalit siya at nag-alala. “Madeline, ang sama mo.
Hindi mo man lang sinabi sa akin ang malaking balita na ito?”
Naguluhan si Madeline. “Bakit ka pala andito, Ava?”
“Ikaw naman. Tinawagan mo ako kagabi, pero bago ka pa matapos magsalita, nahimatay ka na.”
Hinawakan niya ang noo ni Madeline habang nagsasalita. “Madeline, nawalan ka ba ng alaala.”
Syempre, hindi naman nawalan ng alaala si Madeline. Naalala niya pa ngang sinakal siya ni Jeremy
bago siya iwan nito. Sunod, tumama ang kanyang tiyan sa dulo ng kama at talagang masakit ito na
hindi siya makatayo. Ganoon pa man, umalis siya nang walang paki. Nagsabi pa nga ito ng mga
walang pusong bagay sa kanya.
Nawasak na naman ang kanyang puso, at ang sakit nito ay sumagad sa kanyang mga buto.
Lumingon si Ava atsaka naupo sa kama. Seryoso ang mukha niya. “Nasaan si Jeremy? Asawa mo
siya. Nasa ospital ka pero hindi ko man lang siya makita.”
Iniwas ni Madeline ang kanyang tingin. “Abala si Jeremy.”
“Abala siya na manatili kasama ang kanyang kabit, si Meredith, huh?” Saktong-sakto ang sinabi ni Ava.
“Madeline, masyado ka nang nababaliw sa isang lalaki. Nalilito ka na at nasisira. Nasa ganitong estado
ka na pero tinutulungan mo pa siya.”
Tumawa si Madeline sa kanyang sarili. “Dahil gusto ko siya.”
“Sa tingin ko hindi na iyan magtatagal.” Prangka ang mga salita ni Ava. “Narinig mo na ba ang sinabi
ng doktor ngayon?”
Nagulantang si Madeline. Tinignan siya ni Ava, at nakaramdam siya ng bara sa kanyang puso.
“Pwede ka pang magkaroon ng anak sa hinaharap. Mas mahalaga ang buhay mo.”
Tumawa ulit si Madeline nang mapakla. “Hindi na.”
Tinignan siya ni Ava sa lito. Nang may sasabihin na siya, biglang hinawakan ni Madeline ang kanyang
kamay.
“Ava, huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Lalo na kay Jeremy.”
“Madeline, baliw ka ba? Papatayin mo ang sarili mo para sa batang iyan?”
Emosyonal na tumayo si Ava. Subalit, nang papagalitan niya n asana si Madeline, tumunog ang All text © NôvelD(r)a'ma.Org.
kanyang cellphone.
Nagulat si Madeline. Tiningnan niya ang caller ID at sinagot agad ito, narinig niya si Jeremy sa
kabilang linya. “Madeline, sinasadya mo ba ito?”
Nalito si Madeline sa mga bintang ng lalaki.
“Kapag hindi kita nakita dito sa loob ng kalahating oras, huwag ka nang magpakita sa harap ko.”
Naalala ni Madeline ang sinabi ni Jeremy kagabi. Ngayon ang kaarawan ng kanyang ina. Kailangan
niyang pumunta bilang asawa nito.
Nang papayag na siya, kinuha ni Ava ang cellphone. “Jeremy Whitman, ito ba dapat ang kilos ng isang
asawa? Hindi mo ba alam na ang asawa mo…”
Natakot si Madeline na sasabihin ni Ava ang tungkol sa kanyang tumor, kaya agad niyang kinuha
pabalik ang cellphone niya. “Papunta na ako!” Pagkatapos sabihin iyon, ibinaba niya ang tawag. Hindi
na siya nagsayang ng oras.
Nainis si Ava sa ginagawa ni Madeline. Subalit, wala na siyang magawa pa. Bago sumakay si
Madeline sa taxi, pinaalalahanan niya itong mag-ingat, tumango naman si Madeline bilang pagpayag.
Nang makarating si Madeline sa Whitman Manor, nagsimula na ang party. Maraming mga tao ang
nakasuot ng magagara. Kita ring nagdadaldalan ang mga mayayamang babae sa hardin. Dahil
kararating lamang ni Madeline mula sa ospital, nakasuot lamang siya ng isang simpleng abong damit.
Tila ba galing siya sa ibang mundo.
Kaya, ibinaba niya ang kanyang ulo. Nang hahanapin niya na sana si Jeremy, isang babae ang
tumama sa kanya. Natapon ang laman ng baso nito.
“Ang damit ko!” Napabulalas ang babae. Tinignan niya nang masama si Madeline. “Hindi mo ba
nakikita ang dinadaanan mo? Bulag ka ba? Paanong nagkaroon ng kasambahay ang Whitman na
kagaya mo?”