Kabanata 13
Kabanata 13
Kumuha ng maraming atensyon ang mga pambibintang ng babae. Ganoon pa man, sinubukan ni
Madeline na maging kalmado. “Madam, kayo po ang nakabangga sa akin ngayon lang. At, hindi rin po
ako kasambahay ng Whitman.”
Nagulantang ang babae. Saka tinignan ang suot ni Madeline. Isang ngiti ng panghahamak ang
makikita sa elegante nitong mukha. “Hindi ka mukhang kasambahay. Para kang isang pulubi sa tabi-
tabi.”
Ganoon din, may mga tawa ang maririnig sa isang gilid. Subalit, ayaw nang makipagtalo ni Madeline.
Nang paalis na siya, nakita niyang naglalakad si Meredith.
Maganda ang suot nito at may makeup. Nang makita niya si Madeline, gulat na gulat ang mukha niya.
“Ikaw pala iyan, Maddie.”
Nang marinig ng babae ang sinabi ni Meredith, tinignan niya ito ng may galit. “Mrs. Whitman, kilala mo
ang pulubing ito?” Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!
Nagulantang si Madeline. Inakala ng babaeng ito na si Meredith ang asawa ni Jeremy. Subalit, hindi
naman ito itatama ni Meredith. Sa kabilang banda, binigyan niya pa ito ng isang ngiti.
“Mrs. Langford, pakiusap hayaan mo na lang ang pangyayaring ito.”
“Dahil sinabi ito ni Mrs. Whitman, hahayaan ko na.” Tinignan ng babae si Madeline nang may inis.
“Tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod!”
Sasabihin na sana ni Madeline kung sino siya, pero pinigilan siya ni Meredith at hinawakan nito ang
kanyang braso sabay ngumiti. “Maddie, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”
Tinignan ni Madeline ang mapagpanggap nitong mukha at nandiri. Ganoon pa man, nang papaalis na
siya, may sumunggab na naman ng braso niya.
“Huwag ka munang umalis!” Galit na Mrs. Langford ang nakita niya. “Kaya pala binangga mo ako
kanina. Gusto mong nakawin ang bracelet ko!”
Nakapagtataka naman. Isa itong malaking kalokohan para kay Madeline. Sa kabilang banda, agad na
tumakbo si Meredith para magpaliwanag, “Mrs. Langford, isang pagkakamali ito. Minsan nang
nagnakaw si Maddie dati pero nagbago na siya.”
Tila ba hindi ito pagtatanggol. Sa halip, isang ebidensya na magnanakaw si Madeline.
Lalo pang dumami ang pagbibintang. Nag-aalala na si Madeline, kaya nagpaliwanag na siya, “Wala
akong ninanakaw na kahit ano!”
“Kung hindi ikaw, sino?” Sigurado ang babae na si Madeline iyon. “Nasa iyo ang bracelet ko ngayon!
Dali titignan ko nga kung nasa iyo?”
Alam ni Madeline na inosente siya, kaya ayos lang naman sa kanya. Subalit, sa pagkakataong ito,
agad na naglakad si Meredith at may nilagay sa bulsa ni Madeline. “Mrs. Langford, isang pagkakamali
lamang ito. Nagbago na si Maddie. Hindi na siya magnanakaw ulit…”
Bago pa man siya matapos, nagbago ang mukha niya.
Sunod, nadismaya siya bago niya ilabas ang isang mamahaling bracelet sa bulsa ni Madeline.
“Maddie, hindi ko akalaing magagawa mo ito.”
Nagulat si Madeline. Walang siyang kahit anong kinuha sa kahit sino, subalit nasa kanya ang bracelet.
“Ikaw nga talaga ang nagnakaw nito, pulubi ka!” Nilabas ng babae ang kanyang cellphone at
tinawagan ang mga pulis.
Nagsimula ng kabahan si Madeline. Ngayon ang kaarawan ng ina ni Jeremy. Kung maipapadala sa
pulis ang kanyang manugang sa pagbibintang na magnanakaw ito, makakaapekto ito sa reputasyon ng
Whitman. Ayos lang naman na mapagbintangan siya, subalit mas mahalaga ang reputasyon ng
Whitman.
Lalo pang dumadami ang mga bisitang pumapalibot sa kanila. Sa pagkakataong ito, nagpakita na
talaga ng dismaya si Meredith. “Maddie, alam ko na simula noong bata ka pa, wala ka pang
nagagawang maganda. Kaya nga sanay kang magnakaw eh. Pero bakit mo naman ito ginawa sa
ganitong pagkakataon?”
“Hindi ko ginawa!”
Nagpaliwanag uli si Madeline, pero walang naniwala sa kanya.
Bigla niyang naalala na sinubukan siyang lapitan ni Meredith kanina at napagtanto na rin niya ang
nangyayari.
Si Meredith ang naglagay ng bracelet sa bulsa niya!
Sa parehong pagkakataon, tinawag ng babae ang mga pulis. Matapos ang ilang sandal, dumating na
ang mga ito. Dadalhin na nila si Madeline sa istasyon ng pulis.