Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Kabanata 15



Kabanata 15

Kabanata 15 Ang calcium supplements na para sa buntis ay katulad din sa mga pangmatanda at mga kulang sa mga taong kulang sa calcium, kaya malinaw na nakalagay ang “calcium tablets” sa bite.

“Kailangan mo pa ba sabihin sa iba kung anong klaseng gamot ang iniinom mo?” Tanong ni Avery.

Namumula ang mga pisngi niya pero stable ang tono niya.

Kaagad siyang umalis pagkasabi niyo.

Inilagay niya ito sa drawer at pagkatapos, naligo.

Hindi na pwedeng ganito. Malalantad ang lahat kapag hindi pa siya umalis kaagad.

Ang lahat ng checkup reports niya ay nasa kwarto niya. Malalaman ni Elliot ang lahat kapag chineck nito ang room niya.

Syempre, sabi ng konsensya niya, medyo extreme si Elliot pero hindi ito baliw para icheck ang room niya.

Maliban pa dito, kung hindi niya binanggit ito, wala siyang alam na paraan para makipaghiwalay dito.

Tinanggap kasi ng pamilya niya ang malaking betrothal fees mula sa Foster family.

Si Avery ay nakaupo sa dulo ng kama habang gulong-gulo ang isip niya hanggang sa nakalimutan na niya ang gutom niya.

May biglang kumatok sa pinto.

Bumalik siya sa wisyo at binuksan ang pinto.

“Si Master Elliot ay nasa kwarto na niya, Madam. Halika na at kumain ka na!” Nakangiting sabi ni Mrs. Cooper.

Nawala ang anxiety ni Avery. Sa mansion, maliban kay Elliot, tinatrato siya ng maayos ng lahat.

Siguro ay inaalagaan siya ng mga ito dahil bata pa siya.

Pagkadating niya sa dining room, maraming pagkain sa table.

“Hindi ko to kayang ubhsin, Mrs. Cooper. Samahan mo ako kumain!”

Nakangiting sabi ni Mrs. Cooper, “Kumain ka hanggang sa kaya mo, Madam. May rules kami. Hindi ako pwedeng lumagpas dun.”

“I see…” sabi ni Avery at pagkatapos, dinagdag, “May mga anak ka na ba?”

Ngayong wala si Elliot, mas naging relaxed si Avery.

“Oo! At nasa college na sila ngayon. Kasing-edad mo rin sila. Bakit mo natanong, Madam?”

Namula ang mukha ni Avery habang nakangiti at sinabi, “Gumagawa lang ako ng mapag-uusapan… narinig ko rin na nagbabago ang figure pagkatapos manganak, pero ang ganda mo pa rin!”

“Hindi ako palakain nung buntis ako kaya hindi ako lumagpas sa 110 pounds at hindi nagbago figure ko.”

“Hindi ba obvious ang bump mo nung buntis ka?”

“Tama yan! Mukha nasa five to six months palang akong buntis kahit na seven to eight months na akong buntis. Hindi nga nila napapansin na buntis ako kapag maluwag ang suot ko.”

Nainspire si Avery nung narinig niya ang mga sinabi ni Mrs. Cooper.

Inilapag niya ang tinidor at kutsilyo pagkatapos kumain ng kaunti.

Kailangan niyang bantayan ang figure niya para hindi obvious ang baby bump niya.

“Bakit hindi ka na kumakain, Madam?” Tanong ni Mrs. Cooper nung napansin niya na sobrang konti ng kinain nito.

“Hindi ako nagugutom,” sagot ni Avery. “Hindi mo na kailangan mag-iwan ng ganito kadaming pagkain para sakin next time. Ayokong tumaba.”

“Hindi ka naman mataba.”

“Ayokong magwork out, kaya mas maganda kung babantayan ko nalang ang kinakain ko.”

Bumalik si Avery sa kwarto niya at binasa ang report mula sa last checkup niya.

Sinukat ng doctor ang next appointment niya. Kailangan niya pumunta sa ospital kapag three months pregnant na siya.

Tumingin siya sa petsa sa file at nakita na bukas na pala ito.

Humiga si Avery at hinawakan ang tiyan niya. Gusto niya maramdaman ang mga babies niya, pero wala siyang naramdaman.

Hindi siya masyado nagsusuka ngayong buntis na siya, pero iba ang appetite niya kaysa dati.

Nawalan siya timbang lately. Bago siya kumain, sobrang flat ng tiyan niya. NôvelDrama.Org content.

……

Gumising si Avery ng maaga kinabukasan at pumunta sa ospital.

Mas maraming tests ang kailangan gawin sa araw na ito, kaya tanghali na kaagad.

Dahil kaunting reports lang ang makukuha sa tanghali, kumain muna siya sa malapit.

May tumapik sa balikat niya at may nakita siyang pamilyar na mukha.

Lumingin si Avery at nakita ang itsura nito.

“Ikaw nga ito.”

Si Chelsea ay may suot na puting dress at black na blazer. Ang makeup niya ay mga da at nakatali ang buhok niya. Mukha siyang matalino at stylish.

“May sakit ka ba?” Tanong niya.

“Nandito lang ako para sa routine checkup,” sagot ni Avery.

Ayaw niya masyadong kausapin ito, pero walang balak ito na hayaan lang siya.

“Hindi ka pa kumakain, tama? Hayaan mo akong bilhan ka ng lunch. Kasalanan ko yung last time, kaya gusto ko humingi ng tawad sayo.”

“Hindi ako galit.”

“I see… Well, gusto lang naman kita kausapin kahit saglit. Wala akong gustong gawin na masama,” sabi ni Chelsea habang nagkukunwaring may inosente na expression.

Na para bang ang paghindi nito sa imbitasyon niya ang pinakamasama nitong kayang gawin.

Sa huli, pumayag si Averyna kumain kasama siya.

Kailangan na wala siyang kinain sa blood test na kinuha sa kanya niying umaga, kaya gutom na siya. Halos nanghihina na ang mga talamoakan niya at nakakakita na siya ng stars.

Pumili sila ng restaurant sa malapit at umupo.

Nagorder si Avery ng dalawang simple na vegetable dishes.

Si Chelsea naman ay nagorder ng dalawang salads.

“Di ako kumakain ng mains para sa lunch. Kailangan ko imaintain ang figure ko,” sabi ni Chelsea nung napansin niya ang shocked na expression ni Avery.

“Pag-usapan natin ang tungkol sa inyo ni Elliot! Narinig ko na gustong-gusto ka ni Madam Rosalie at ayaw na magdivorce kayo. Mahihirapan ka!”

Uminom ng tubig si Avery at tinanong, “Bakit hindi mo ninominate ang sarili mo nung naghahanap ng asawa ang nanay nuya nun?”

Bitter na tumawa si Chelsea at sinabi, “Nagtatravel ako sa labas ng bansa nun, kaya wala akong idea sa nangyayari. Kasal na kayo pagkadating ko.”

“Oh! Coincidence nga naman!” Sabi ni Avery.

Tumaas ang kilay ni Chelsea.

“Nagsususpetsya ka ba sakin? Walang makakaquestion ng pagmamahal ko kay Elliot. Ayaw niya ng mga bata, kaya tinanggal ko ang uterus ko. Magagawa mo ba yun?”

Napatigil si Avery.

“Hindi na ako kumpletong babae. Kailanman ay hindi ako magkakaanak, pero wala akong regrets. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya,” proud na sabi ni Chelsea.

Mukhang naghihintay siya na purihin siya sa pagiging matapang at special.

“Si Elliot ay baliw at ikaw rin. Sinasaktan niya ang ibang tao kapag nababaliw siya at sinasaktan mo din ang sarili mo. Ang stupid mo sa pananakit sa sarili mo para sa kanya,” sabi ni Avery.

Nagbago ang expression ni Chelsea kaagad at mas naging cold ang tono nito habang sinasabi, “Anong alam mo? Kailanman ay hindi sumasama si Elliot sa mga babae pero willing siya sakin…”

“Mali ka. May nagugustuhan siyang tao, Chelsea. Tigilan mo na ang pagiging stupid para sa kanya,” sabi ni Avery.

Magulo ang emotions niya kaya nagsalita siya ng hindi nag-iisip. Naiinis siyang tumahimik pagkatapos niya sabihin ito.

Bakit siya affected sa ginawa ni Chelsea?

Kapag nalaman ni Elliot na binunyag niya ang sikreto nito, paparusahan siya nito ng malala.

Saglit lang na nagfreeze ang mukha ni Chelsea bago siya tumawa na para bang joke ito.

“Imposible yan! Imposibleng gusto ka ni Elliot!”

“Hindi ko sinasabing ako ang gusto niya. Ang sinasabi ko ay ibang babae,” bumuntong hininga si Avery.

“Mas imposible yan!” Sigaw ni Chelsea.

“Walang ibang babae na kilala si Elliot. Kilala ko siya sa loob ng sampung taon at ang kapatid ko naman ay close sa kanya ng 20 years. Mas kilala ko siya kaysa sa kahit sino!”

May nagsnap sa utak ni Avery.

Sa ilang sandali, hindi niya alam ang totoo sa hindi.

Walang rason para magsinungaling sa kanya si Chelsea.

Pero, kung hindi nagsisinungaling si Chelsea… Edi ano yung mga nakita niya sa computer ni Elliot?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.