Kabanata 16
Kabanata 16
Kabanata 16 “Sino ang nagsabi sayo na may iba pang gusto si Elliot? Saan mo nakuha ang impormasyon na yun? Alam mo ba ang pangalan niya?”
Hindi mapalagay si Chelsea kahit na sigurado siya na walang ibang babae si Elliot maliban sa kanya.
Umiling si Avery at sinabi, “Opinyon ko lang ang sinabi ko… hindi ko ganun kakilala si Elliot katulad ng sayo.”
Nag-iba ng stance si Avery pagkatapos niya kumalma.
Narealize niya na hindi simple ang mga bagay at ayaw niyang madamay.
Gusto niya lang ipinganak ang babies niya at mamuhay ng average.
“Tinakot mo ako! Akala ko ay may nakita kang kasama siya na babae!”
Kumalma si Chelsea pagkarinig dito.
“Si Elliot ay hindi katulad ng iniisip mo. Hate niya ang mga babae at kids.”
“Alam mo ba kung bakit ayaw niya ng mga bata?” Casual na tanong ni Avery.
“To be honest, wala akong idea. Ayoko rin naman malaman. Kung ayaw niya sa mga ito, ayaw ko rin,” sabi ni Chelsea at pagkatapos, nagsalubong ang mga kulay niya at sinabi niya sa sarili niya, “Mabait siya sakin.”
Sumuko na si Avery sa pagbabago ng isip nito.
Ang lahat ay may freedom of choice. Ang importante ay alam mo kung paano kaharapin ng consequences ng mga choices na yun.
Iniisip niya na hangal si Chelsea. Pero sa mata ng iba, ang desisyon niya na ipanganak ang anak nila ni Elliot ay stupid din. Nôvel(D)ra/ma.Org exclusive © material.
Pagkaserve ng pagkain, sa sobrang gutom niya, nagsimula siyang kumain kaagad.
Maraming iniisip si Chelsea kaya nawalan ito ng gana.
“Sure ka ba na hindi ka nainlove kay Elliot?” Tanong niya.
“Sure ako,” tumangong sumagot si Avery.
Hindi siya maintindihan ni Chelsea.
“Bakit? Siya ay maasahan at gwapo.”
Tumingin sa kanya si Avery at sinabi, “Kung kailangan ako papiliin sa pagitan niyo, mas pipiliin kita.”
Sa ganitong paraan, hindi siya masasaktan.
Nagulat si Chelsea sa sagot nito.
“Bakit?! Ikaw ba—“
Nagwave ng kamay si Avery at sinabi, “Ginagawa ko lang ito na example. Basta magets mo ang sinasabi ko okay na yon.”
Nakampante si Chelsea dahil mas naging okay sa paningin niya si Avery.
Iniisip niya kung paano na si Avery lang ang gumagawa ng paraan para mamaintain ang company ng tatay niya pagkatapos nito mamatay. Hindi mapigilan ni Chelsea na maawa dito.
“College ka palang, tama?” Tanong ni Chelsea.
Uminom ng tubig si Avery at pagkatapos, sumagit, “Graduating na ako next year.”
“Hmm, narinig ko ang tungkol sa company ng papa mo. Ang utang niya ay walang kinalaman sayo dahil namatay na siya. Dapat ay magfocus ka sa paggraduate at ienjoy ang buhay ko,” advice ni Chelsea. “Saan ka makakahanap ng pera para bayaran ang utang ng papa mo? Huwag mong ipush ang sarili mo ng ganito.”
Yumuko si Avery at hindi sumagot.
Ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay sinasabi na isuko na lang niya ang Tate Industries.
Hindi maliit na halaga ang one hundred twenty-five million dollars.
Kahit ang sarili niyang nanay ay pinapasuko siya.
Pero si Shaun ay lagi siyang sinasabihan kung gaano kaganda ang bago nilang product, at ang lahat ay aangat basta ba malagpasan nila ang obstacle na ito.
Si Avery ay laging nakikipaglaban sa magkaiba niyang thoughts.
Binayaran ni Chelsea ang lunch nila nung patapos na sila kumain.
Ang pagkain nila ay puro gulay kaya hindi mahal ito. Kaya naman, hindi na nagpumilit si Avery na magbayad.
“Ibigay mo sakin ang number mo,” sabi ni Chelsea habang papalapit kay Avery pagkatapos magbayad.
“Anong point?” Sabi ni Avery. “Si Elliot at ako ay malapit na magdivorce kaya naman wala na rason para magkita pa tayo ulit.”
Medyo sumama ang loob ni Chelsea dahil sa pagtanggi nito, pero natuwa siya nung naisip niya na hindi na niya makikita si Avery ulit.
“Totoo yan. Kapag nangyari yun, ako lang ang tanging nasa tabi ni Elliot,” sabi ni Chelsea habang nakatingin kay Avery bago umalis.
…..
Mga 2:30 p.m, nameet na ni Avery ang doctor na tumatanggap ng lahat ng results niya.
Tiningnan ng doctor ang mga ito at sinabi, “Mukhang okay naman ang lahat. Pero, mukhang fraternal twins ang dinadala mo!”
Nanigas si Avery sa kinakaupuan niya.
“Gusto mo pa rin ba silang ipalaglag?” Asar ng doctor. Ang probability ng pagkakaroon ng fraternal twins ay katumbas ng pagkapanalo sa pagkapanalo sa lotto. Kaya nakahit ka ng jackpot!”
Ang lakas ng kabig ng dibdib ni Avery.
Naririnig niya lang ang tungkol sa fraternal twins, pero hindi pa siya nakakakita in real life.
“Kapag napagdesisyunan mong magpaabort, ang pinakamagandang gawin ito ay sa first trimester. Kapag mas lalo ka pang naghintay, mas mataasang risk. Masama itong bagay, para sayo at sa mga bata. Ngayon, nagkakaroon na sila ng hugis sa loob mo,” sabi ng doctor.
“Doctor, di ko na sila ipapalaglag. Gusto ko silang ipanganak.”
“Mabuti. Sagutan mo ang mga girms na ito, at ako ang magbubukas ng file para sayo.”
….
Mga four ng hapon nung natapos si Avery sa ospital.
Siguro ay dahil maaga siyang nagising at hindi pa nakakanap, kaya sobrang antok niya.
Nakikita niya ang mundo sa filter. Mga tao. Kotse. Hindi niya ito maaninag ng maayos.
Sumakay siya ng taxi pauwi, dumiretso sa kwarto niya at natulog.
Halos gabi na nung nagising si Avery.
Nakatulala siyang nakaupo sa kama. Parehas walang laman ang utak niya at tiyan.
Alam niyang gutom siya pero hindi siya makagalaw.
Nang biglang, tumunog ang phone niya, kaya sinagot niya ito.
“Avery, kinontak mo na ba ang mga pangalan sa list na binigay ko sayo?” Si Shaun ang nasa kabilang linya.
Yumuko si Avery, huminga., at sinabi, “Hindi pa, bukas ko pa ito gagawin.”
“Weekend bukas! Hindi mo sila dapat istorbohin. Siguro ay tawagan mo sila ngayon?” Sabi ni Shaun.
“Sure,” sagot ni Avery.
“Kailangan ko bang ipadala sayo ang kopya ng list?” Tanong ni Shaun.
“Okay lang, nandito naman ang list,” sagot ni Avery.
“Subukan mong tawagan ang iba sa kanila ngayong gabi. Siguraduhin mo na tunog sincere at —“
“Alam ko. Alam ko. Kakain na ako ngayon.”
“Oh, tama. Saan ka nananatili ngayong nakuha ang bahay mo?”
Tumingin si Avery sa guest room na tinutuluyan niya at sinabi, “May nirerentahan akong lugar. Huwag kang mag-alala sakin. Ayos lang ako.”
“Okay, Avery. Maghihintay ako ng good news galing sayo.”
Hindi malasahan ni Avery ang dinner niya. Pagkadating niya sa kwarto, tinawagan na niya ang mga nasa list.
Pagkarinig ng mga ito ng pangalan niya, hindi siya binigyan ng pagkakataon ng mga ito na makapagsalita. Kaagad siyang tinanggihan ng mga ito at ibinaba ang tasag.
Inabot siya ng twenty minutes para matawagan lahat.
Lahat sila ay nireject siya.
Wala sa kanila ang gusto marinig ang bagong product ng Tate Industries.
Natalo na siya kaagad bago pa siya magkaroon ng chance na lumaban.
Kailangan na ba niya talagang sumuko?
Kapag ginawa niya ito, mawawala habang buhay ang Tate Industries.
Biglang bumigat at nakakauffocate ang kwarto.
Inihagis ni Avery ang mahabang cardigan at lumabas ng kwarto.
Ang sala ay laging walang laman at tahimik ang bahay.
Sinuot niya ang cardigan at lumabas ng bahay.
Tumama ang hangin sa gabi sa buhok niya, kaya lumayo ito sa mukha niya.
Ramdam niya hanggang buti ang lamig ng gabi.
Naglalakad siya ng walang patutunguhan ng biglang marami siyang naalala.
Nakita siya ng lahat bilang heiress ng Tate Industries at walang kailangan ipag-alala sa buhay.
Walang nakakaalam kung ilang malamig na pagkain at mga gabing may sakit siya ang dinanas niya.
Isang black na luxury sedan ang nasa neighborhood.
Bumagal ito at tumigil.
Mabagal na binuksan ni Elliot ang mga mata niya.
Mula sa bintana niya, nakita niya ang babaeng nakacrouch sa ilalim ng streetlight. Mahigpit itong nakayakap sa mga tuhod niya.
Ang balikat ni Avery ay nanginginig mula sa pag-iyak.